grabe, nakakaawa naman.
WARNING! Sensitive image
MAYNILA - Dalawa ang patay matapos masunog ang isang bus sa kahabaan ng Commonwealth, Quezon City nitong Linggo.
Kinukumpirma pa kung pasahero ang mga biktima, ayon kay SF03 Francisco Mabunga ng QC Central Fire Station.
Pero, ayon sa driver ng bus na si Valentino Obligasion, 45, may binuhos ang isang lalaking pasahero sa konduktora na naging sanhi ng pagliyab.
Idineklara ang fire out alas-1:20 ng hapon, sabi ni Mabunga.
Naiulat ang nasunog na sasakyan alas-12:57 ng tanghali sa Pearl Drive Commonwealth, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Ayon kay Jhoanna May Ervera, isang testigo, mabilis na lumaki ang apoy dahil sa dami ng plastic barrier.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. I-refresh ang pahinang ito para sa updates. -ABSCBN News
WARNING! Sensitive image
Spoiler contents are visible only to Established Members.