J
Jeanh
Guest
Ito ang mga nilalaman ng mga bagong pagsusuri tungkol sa sex:
1. Ang taong nakikipag-sex sa permanenteng partner ng 2-3 beses bawat linggo ay mas hindi inaatake sa puso at na-i-stroke. Oo, posibleng makahaba ng buhay ang sex, lalo na kapag nagpa-practice ka ng safe sex.
2. Ayon sa pag-aaral, kapag mas madalas ang pagtatalik, mula sa isang beses bawat buwan at ginawang isang beses bawat linggo, mas magiging masaya din sa buhay.
3. Sa kabilang dako, ang unsafe sex, o iyong pagtatalik sa maraming partner ay puwedeng magbawas ng 6 na taon sa iyong buhay. Ito’y dahil sa peligro ng sexually-transmitted diseases at HIV-AIDS.
4. Ayon sa isang pagsusuri sa Japan, ang mga lalaking nakikipagtalik sa hindi nila asawa ay mas nagkakaroon ng istrok. Ang istrok ay ang pagbabara ng ugat sa utak at napaparalisa ang katawan.
5. Ang mga babaeng nag-e-enjoy sa sex ay mas humahaba ang buhay kumpara sa mga hindi nag-e-enjoy.
6. Ito ang nangyayari sa katawan habang nagtatalik. Bumibilis ang tibok ng puso. Lumalaki ang pupils (iyong itim sa gitna ng mata). Bumibilis ang paghinga at lumalaki ang butas ng ilong. Bumubuka ang daanan ng pawis (sweat glands). Lumalaki ang suso ng babae ng 25% at ang utong (nipples) ay humahaba ng kalahating pulgada. Dumadami din ang daloy ng dugo sa labi, ilong at sexual organs.
7. Ang pagtatalik ng 5 minuto ay nagtatanggal lang ng 20 calories sa ating katawan. Ngunit ang pagtatalik ng 30 minuto ay nag-aalis ng 200 calories. Mas maraming ehersisyo ang makukuha sa matagal na pagtatalik.
8. Para malaman kung kaya mong mag-sex, subukang umakyat ng 2 floors. Kapag hiningal ka pagdating sa itaas, ang ibig sabihin ay kulang sa kondisyon ang iyong katawan, at baka mahirapan ka sa sex.
9. Ang pagmamasahe ng paa ay nakatutulong sa sex. Nakaka-excite ito sa babae. Ang iba pang lugar na nagpapa-excite ay ang batok, ang mga daliri, ang nipples at ang sexual organs.
10. Para ganahan sa sex, kailangang matahimik ang lugar at maganda ang paligid. Ayon sa pagsusuri, baka makatulong din ang tsokolate, kape, at amoy ng baby powder sa sex drive.