What's new

Ok lang ba Ma inlove ako sa May anak na ? (1 Viewer)

ilang taon na yang anak nya? kasi kung bata pa e dapat accepted mo na rin na priority nya yung anak nya so it means hindi always na pwede nyang ibigay oras at atensyon nya sayo.
 
Kung lahat to naiisip mong magagawa mo pwede mo na ituloy yan nararamdaman mo ts.

Unang una dapat mahalin mo at tanggapin mo yung anak niya. Yung tipong parang tunay na anak mo na ang turing mo dun sa anak niya sa unang asawa. Dahil kung magagawa mo yan mas matutuwa sayo yung babae. At syempre magiging boto sayo yung bata para sa nanay niya.

Obligasyon. Alam ko hindi mo tunay na anak yung anak nung babae sa unang asawa at hindi mo obligasyon yung bata. Pero dadating yun time na pag naging kayo na or tumagal na kayo ikaw at ikaw din ang sasagot ng lahat ng gastusin dahil ikaw na ang magiging haligi ng tahanan.

Hindi makikinig sa sasabihin ng iba. Meron kasi mga tao na huhusgahan ka lalo nat may tinatawag na sabit yung babaeng mamahalin mo. Or anak na in short at hindi mo sariling anak. Kaya mo ba silang ipaglaban or ipagtanggol sa ngalan ng oag ibig?

Alam ko kulang pa yan pero kung may sasabihin pa kayo na dapat kayang gawin ni ts eh dugtungan niyo nalang yung mga sinabi ko.

Ts oo nga pala bago mo pasukin yan siguraduhin mo munanh hiwalay na talaga yan bago mo pasukin baka mamaya simpleng tampuhan lang yan yung tipong 1month palang silang hiwalay.
 
kung s3x lang habol mo tigil mo na yan. Hindi kagaya ng mga dalaga pa at walang anak ang mga single mom. Pag minahal mo yan parang package yan, di lang yung nanay mamahalin at tatanggapin mo, kasama pati mga anak nya. At dapat maging handa ka rin na hindi lahat ng atensyon nya maibibigay nya sayo. may mas priority yan kesa sa oh-10 mo.
 
makipag bonding ka muna sa anak nya para magkapalagayan kayo ng loob. ngayon imaginin mo yung magiging ipekto ng desisyon mo sa anak nya. saka ka mag desisyon.
 

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. Single mom
  2. tulfo

About this Thread

  • 14
    Replies
  • 436
    Views
  • 15
    Participant count
Last reply from:
Altheo08

Online statistics

Members online
863
Guests online
828
Total visitors
1,691

Forum statistics

Threads
106,584
Posts
3,273,033
Members
748,833
Latest member
akocarnel1
Back
Top