Ang nangyari kasi kuys, nag cndm naman kami then after labasan edi inalis na hindi ko alam kung yung water based sa ****** yung nahawakan ko or yung sperms ko. Then hinawakan ko kasi yung ano nya. Pero katatapos lang ng dalaw nya nung 4.
Ito lng maibabahagi ko sa iyo ts. Based sa sinabi mo rito, hinawakan mo(let say sperms nga iyon), then hinawak mo sa ano niya. In general, possible na mabuntis, pwede rin hindi. Why? Because maraming aspects ang nakaka apekto rito. Kaya ang tanong, if fertile ba sya?, Nasa kanyang fertile window ba? Or ovulation period pa?
Isa-isahin natin ts;
Fertile, ano ba ibig sabihin kapag sinabing "fertile" ang isang babae? - meaning, possible na mabubuntis yung babae.
Fertile window, ito namn yung mga days na kapag nag making love kayo ni girl, possible na may mabubuo. Usually, 6 days yung span nun.
Ovulation, ito ang pinaka best time para mabuntis ang ang isang babae. Dahil dito yung time na narerelease yung egg cell.
Now, mostly, 5 days lng ang tagal ng sperms sa loob ng isang babae. Kaya most likely, kapag gusto mo mag ka baby, mag plok² kayo kapag fertile window na ng babae. Para ready na si sperms sa loob, waiting na lng ng ovulation(releasing of egg), at doon mag sisimula yung karera papunta sa egg cell.
Balik tayo sa case mo ts. Sabi mo, kakatapos lng ng dalaw niya nung 4. Meaning, low chance na ma buntis. Kasi, Jan 4 nag end yung dalaw niya. (I assumed na regular cycle sya), and if noong Jan 6 kayo nag love making, hindi pa fertile yun, wla pa sa kanyang fertile window, at lalong malayo pa sa kanyang ovulation.
Tips ko sayo ts, alamin mo if kaylan yung ovulation ni girl, may mga signs namn yan ehh, like maraming lumalabas na discharge sa kanila etc...kapag tapos na kasi ang ovulation ng babae, mababa na ang chance ma buntis, kasi tapos na yung ovulation ehh, wla na yung itlog haha. Pero para safe, use C nalng, mahal ng gatas ngayon at diaper, pandemic pa namn.
PS: Kindly correct me if may mali sa mga sinabi ko hehe.