Ano ang erectile dysfunction?
Ang erectile dysfunction, ED, o male impotence ay ang medikal na kondisyon kung saan ang isang lalaki ay hirap o hindi kayang patindigin ang kanyang ari habang nakikipagtalik. Maaari ring ituring na erectile dysfunction ang hindi kayang patagalin ang pagtindig ng ari. Sa panahon ngayon, pangkaraniwang ginagamit ang mga gamot tulad ng
RiteMED Sildenafil upang pagandahin ang daloy ng dugo sa ari at magdulot ng ereksyon (erection).
Bagamat mas karaniwan ito sa mga lalaking may edad 75 o pataas, maaari din itong maranasan ng mga mas batang lalaki. Walang tiyak na edad kung kelan mararanasan ng isang indibidwal ang mga sintomas nito, ngunit maaari itong magkaroon ng pangmatagalang epekto sa psychological health at buhay sekswal (sexual life) ng isang lalaki.
Ano ang mga sintomas ng erectile dysfunction?
Ang pangunahing sintomas ng male impotence ay ang kahirapan sa pagtindig ng ari. Kasama na dito ang kahirapan sa pagpapanatili ng ereksyon o erection habang nakikipagtalik at ang kawalan ng gana na makipagtalik.
Maaari din maranasan ang kahirapan sa pagtindig dulot ng mga panandaliang sanhi lamang. Hindi dapat ito ikabahala kung ang kahirapan sa pagtindig ay nararanasan lamang paminsan-minsan. Tandaan na lahat ng lalaki ay maaaring magkaroon ng problema sa pagtindig kahit wala siyang erectile dsyfunction.
Ano ang mga sanhi ng erectile dysfunction?
Dalawa ang maaaring sanhi ng erectile dysfunction. Una, maaari itong maging dulot ng mga psychological causes of ED. Ito ay ang mga sumusunod:
- Stress – Stress ang isa sa pinakamalaking dahilan ng erectile dysfunction sa mga kalalakihan. Maaaring manggaling ang stress sa problema sa pera, trabaho, negosyo, mga relasyon, pamilya, at pag-aaral.
- Pangamba (Guilt) – Maaari ding magdulot ng erectile dysfunction ang sobrang pangamba o kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan na makipagtalik. Madalas rin itong tawagin sa ingles na “performance anxiety”. Kasama na rin dito ang mababang tingin sa sarili.
- Depresyon – Isa ring karaniwang sanhi ng erectile dysfunction ang matinding depresyon dahil nagdudulot ito ng matinding panghihina sa katawan at isip ng tao. Ang mga gamot naman para sa depresyon ay maaari ding magdulot ng ED bilang isang side effect.
Mayroon ding mga pisikal na karamdaman na maaaring magdulot ng erectile dysfunction:
- Sobrang pagkapagod/panghihina
- Sobrang pag-inom ng alak
- Paninigarilyo
- Sakit sa utak
- Parkinson’s disease
- Alta presyon
- Diabetes
- Hypogonadism
- Stroke
Ano ang mga pagsusuri para malaman kung ikaw ay mayroong erectile dysfunction?
Bagamat walang pormal na pagsusuri ang isinasagawa upang matiyak ang erectile dysfunction, mahalagang alamin kung mayroon mang mas malubhang karamdaman na nagdudulot nito. Ang blood test ay isa sa mga pangunahing pagsusuri na isinasagawa upang matukoy ang mga karamdamang ito.
Mahalagang magpatingin kaagad sa doktor kapag ang pasyente ay tiyak nang may kondisyon tulad ng sakit sa puso, diabetes, o obesity. Tatanungin din ng doktor ang kasaysayang medikal ng pasyente o manghihingi din ng urine sample upang malaman ang tiyak na sanhi ng erectile dysfunction.
Paano ginagamot ang erectile dysfunction?
Matapos tiyakin ang mga sanhi nito, mahalagang makipag-ugnayan sa isang doktor upang mapag-usapan ang angkop na paraan ng panggagamot. Mahalaga ito lalo na sa mga pasyenteng may kondisyon na nagdudulot ng erectile dysfunction.
Ang sumusunod naman ang mga karaniwang isinasagawa para sa mga sintomas nito:
- Pag-inom ng gamot tulad ng RiteMED Sildenafil
- Paggamit ng penile prosthesis o vacuum constrictive devices
- Pagturok ng gamot para sa corpora cavernosae
Maaari ding sumailalim ang pasyente sa psychotherapy para sa mga psychological na sanhi ng erectile dysfunction, tulad ng stress at depresyon.
Paano maiiwasan ang erectile dysfunction?
Sinasabing ang mga mabubuting pagbabago sa pamumuhay ng isang lalaki ay ang susi sa pagpapagaling ng erectile dysfunction. Nangunguna dito ang pagkain ng wasto at pag-iwas sa masasamang bisyo. Nakakatulong din ang ehersisyo at pagbabawas ng timbang upang bumalik ang lakas ng katawan at pag-iisip. Higit sa lahat, ang erectile dysfunction ay madaling maiiwasan o malalabanan kung may suporta ng asawa.