Asherah Goddess
Leecher
Definition ng ligaw according to a dictionary na itinagalog ko lang ang ibig sabihin.
Ito ang definition nito.
- maging kasangkot sa romantikong paraan , karaniwang may intensyon na magpakasal.
- subukang akitin
- bigyang-pansin ang isang tao sa pagtatangkang makuha ang kanilang suporta o pabor.
Curious lang ako. Hindi ko maiwasan na hindi ako magtanong at kinakailangan ko makakuha ng "opinyon" ng mga tao dito sa bansang Pilipinas kung mahilig kayo sa "deep topic" o whatever.
Ito ang question ko. Hindi ko inilalahat a? Again , hindi ko inilalahat ng mga tao dahil iba-iba ang kanilang pananaw pagdating sa ligaw.
Kung ganyan ang definition ng ligaw ay bakit okay lang gawin sa lalake ang ganyan gawain pero sa babae ay sabi raw na hindi maganda na gawin nito sa lalake? Ano iyon? Sino-suppress ng mga tao ang feelings ng mga babae as a whole? Ang tagalog ng suppress ay pinipigilan.
...dahil kung pinipigilan siya ay ito lang ang ikilalabasan nito.
- pinipigilan ng mga tao na huwag maging sangkot ang mga babae sa romantikong paraan.
- pinipigilan ng mga tao na huwag magkaroon ng intensyon na magpakasal ang babae unless meron magyaya na magpakasal.
- pinipigilan ng mga tao na huwag magtangkang kumuha ng suporta o pabor galing sa tao na nagugustuhan ng babae o huwag gumawa ng paraan ang babae na mabigyan pansin siya nito ng nagugustuhan niya.
- pinipigilan ng mga tao na huwag mang-akit ang babae sa lalake pero ang akit ay pwedeng verbal at pwede din action na in fact , ang ibig sabihin pala na pwede mang-akit ang lalake sa babae pero ang babae ay hindi pwede mang-akit. Ang totoo nga ay napaka-harsh ng judgment sa babae pagdating sa katagang "akit".
Ang lumalabas ay pinipigilan ang mga babae na maghayag ng sariling damdamin pero ang lalake ay malaya ito maghayag ng sariling damdamin.
So...... ano ang meron? Bakit? Nakakatakot ba ang babae kapag nag-voice out siya? Deceiver ba ang babae kapag nagsalita siya? Ano ang meron at bakit pinipigilan? O sadyang nag-eenjoy ang mga lalake sa "status" na ikinakatayuan nila dahil malaya kase sila sa ano man sitwasyon katulad ng nakakahayag sila ng damdamin sa ano man gusto nila?
Anyway , kultura po natin ito kung saan majority ng mga tao ay tinatangkilik ang katagang lalake ang "nanliligaw" at babae ang "nililigawan".
Gusto ko malaman sa mga tao na nakatalukbong sa "accepted behavior" katulad ng lalake ang dapat manligaw.So...... ano ang meron? Bakit? Nakakatakot ba ang babae kapag nag-voice out siya? Deceiver ba ang babae kapag nagsalita siya? Ano ang meron at bakit pinipigilan? O sadyang nag-eenjoy ang mga lalake sa "status" na ikinakatayuan nila dahil malaya kase sila sa ano man sitwasyon katulad ng nakakahayag sila ng damdamin sa ano man gusto nila?
Anyway , kultura po natin ito kung saan majority ng mga tao ay tinatangkilik ang katagang lalake ang "nanliligaw" at babae ang "nililigawan".
No harm done. Curiousity arouse lang po
Ano talaga ang meron? Ano ang inyo?