What's new

Naka-relate ako sa storya ni Mang Kanor. Long read (1 Viewer)

digitalz

Honorary Poster
Medyo nakaka-relate ako sa kwento ni Mang Kanor. Kung mapapanood nyo yung movie. I even created a thread dito tungkol sa kwentong walk kung saan yung story ko at story ni Mang kanor ay halos parehas.

Nag umpisa lahat kasi may minahal ako na babae sobra sobra. Dahil sa sakit sinubukan iba't ibang bagay. Nag yosi kahit hindi naman nag yoyosi, uminom tapos uuwi ng wasted kahit hindi naman palainom at sa kagustuhan makalimot natuklasan ang makamundong mundo ng esc0rt services. Mga babaeng nag aalok ng temporary happiness kapalit ng pera.

Mababasa nyo yung past experiences ko dito.
https://phcorner.net/threads/kwentuhang-walk-pasok-kayo-dito-and-share-your-experience.1513585/

Sa kwento ni Mang kanor movie nainlab sya sa bagets. Yung bagets na babae eh hindi naman talaga sya mahal, studyante sya na naging praktikal sa buhay at nag take advantage lang sa pagmamahal ni Mang kanor. Si mang kanor kasi medyo big time, may negosyo at mapera. Si mang kanor yung typical na guy na kapag nag mahal ng babae eh ibibigay talaga lahat.

Kaso itong si bagets na girl eh nabuntis ni Mang Kanor. Tuwang tuwa si Mang kanor pero yung bagets hindi kasi kapag nalaman ng pamilya ni bagets eh papatayin daw sya at doon na nagkaron ng real talk inamin nung babae na hindi nya naman talaga minahal si Mang Kanor. Pumatol lang sya dahil lang talaga sa pera nya.

At dahil nabroken nga itong si Mang kanor, yung tao nya sa negosyo na parang tropa rin nya may nireto na bagets din. Baka daw gusto nya tulungan. Hindi naman gawain ni Mang kanor yun nagbabayad ng mga babae pero dahil nga sa gusto makalimot eh sinubukan nya. At doon na nagsimula journey nya hanggang sa iba't ibang bagets na chicks na humihingi ng tulong sa kanya. Sa movie na to walang pa mga walk walk ha. Indirect at discreet transaction to by referral. Hindi tulad ngayon p0ta lantad na sa twitter at fb yung mga gantong babae haha.

P0ta spoiler alert to ha baka nandito yung direktor so I suggest watch nyo na lang hahaha.

So stop ko muna yung kwento sa movie. Eto lang natutunan ko sa movie at ibabase ko na rin sa naranasan ko sa buhay. Lalo na sa mga bagets dito na guys. Personal opinion ko na to ha at malayo na sa movie ni Mang kanor.

••• Put4ena may mga babae na darating sa buhay mo na mag tatake advantage lang sayo. In terms of money, in terms of school projects, at kung ano pang terms kung saan ka malakas, kung saan ka popular, kung saan ka mas nakakaangat. Kapag nakita nila na may gusto ka sa kanila, yung iba eh talagang makikisama sayo dahil may mapapala sayo pero yung pagtingin nya eh mararamdaman mo yan hindi tunay.


••• Kapag na broken hearted ka ok lang express mo nararamdaman mo pero wag mo uubusin pera mo sa babae lalo na kung limited lang budget mo. May mga bar kang mapupuntahan na gagatasan ka ng babae kapalit ng panandaliang ligaya. Take note hindi mo pa sya maikakama. Table pa lang hahaha. Based sa experience. Wag mo rin gagayahin yung sa TV na magiging wasted iinom at magpapakalasing. Masisira lang atay mo at kalusugan mo at baka may magawa ka pa hindi maganda dahil sa kalasingan. Avoid any liabilities and stupid mistakes dahil broken ka bro.


••• Lilipas din yan sakit. Yung first month mo t4ena wasted ka nyan. Lagi mo sya iisipin, sobrang down ka nyan mga panahon na yan pero wag mo hayaan kainin ka ng sakit boy. Focus ka lang sa ibang bagay. Mag gym ka pagandahin mo katawan mo. Magpayaman ka or mag invest sa sarili mo. Mag gluta ka o skin care put4ena kapag may nagsabi sayo bakla ka sa pinag gagawa mo sapakin mo agad make sure hindi makakabawe hahaha. Ibig ko sabihin wag ka makikinig basta sa payo ng iba kung ang ginagawa mo eh makakabuti naman sayo. 6 months to 1 year bro medyo maalala mo pa sya pero mataas na ulit self confidence mo and you can attract better girls.


(Back story lang. Ako kasi talagang sinapak ko eh to the point na napagbasak ko sya nagulpi ko. Nakakalalaki eh. Pumuti kasi ako that time dahil sa gluta tapos sinabi ba naman habang break time "parang iba na naaamoy ko sayo ah" kaharap yung iba kong mga katrabaho. Bumabanat pa sa katrabaho ko "i smell something" pabakla yung tono. Hanggang sa napansin ko mga kaofficemate ko tinatawanan ako habang nadaan ako. Eh hindi ko naman sya kabiruan. Katrabaho kong medyo matagal na panahon na akong kinukupal eh medyo broken pa ako noon, sa kanya ko nailabas sama ng loob ko pero after ko sya gulpihin nag resign na rin ako hahaha ang toxic din kasi ng company tsaka wala na ako mukhang maihaharap.)

••• Medyo manliligaw ka na sa mga babae, malamang pagsasabay sabayin mo pa. Pero payong lalaki wag mo gagawin sayo yung ginawa ng babae mag take advantage. Kasi nasa loob mo pa yan thought na yan. Deep inside meron kang revenge thing kasi hindi kapa totally healed. May mga babae kasi na talagang seryosong magkakagusto sayo tapos baka masaktan mo lang dahil ginawa mo lang sya rebound. Umuulit lang ang cycle ng karma. May nagtake advantage sayo > Nagtake advantage ka > balik ulit Karma sayo.


••• Piliin mo lumagay sa tahimik. Peace of mind pa rin ang isa sa hindi nabibili ng pera. Isa lang babae nakatakda para sayo. Hindi mo pa yan makikita sa ngayon, siguro kapag dumating sa point ng maturity ng buhay mo mararamdaman mo yan gusto mo na ng stabled na buhay. Tsaka sya darating. Eto yung babae na lahat ng kalokohan mo at katarantaduhan mo noon eh tatanggapin nya. Tatanggapin ka nya hindi dahil marami kang pera, hindi dahil gwapo ka o panget ka o maputi ka o maitim ka. Hindi dahil mataba ka o payat ka. Tatanggapin ka nya kung ano ka at kung sino ka. Men kapag mo nakita mo sya wag mo na pakawalan at wag ka na rin gagawa ng kalokohan. Kung may kalokohan ka pa ginagawa habang kayo eh itigil mo na. Eto na yung time na dapat magpakalalaki ka na talaga. Man enough to handle things and make decisions wisely. Eto na din yung time na dapat mataas na ang pangarap mo sa buhay kasi sigurado ako kahit saan ka mapunta susuportahan ka ng babae na yan.


Take note matagal ko ng tinigil ang ganitong gawain kaya hanggang kwento na lang ako. Una dahil may asawa't anak na ako. Pangalawa dahil naniniwala ako sa karma kaya tinigil ko na itong bisyo at lumagay na sa tahimik. Enjoy nyo na lang mga kwento ko lol.

Yung karma na sinasabi ko ito yung sa mga babae na pinasok ang walk. Noong narealize ko ito ay tinigil ko na talaga.
Imagine yourself sa shoes ng isang esc0rt na babae. Kayong lalaki ang nagbebenta ng panandaliang aliw tapos yung mga magiging customer mo hindi mo alam itsura, hindi mo alam kung may sakit, titiisin mo kung may mabaho. Imagine mo nakikipag laplafan sayo bading pero dahil walang wala ka at may pera sa kanya eh papatusin mo na lang. Makakaya mo ba? Malamang sa malamang naisip mo pa lang hindi mo na kaya, o baka kaya mo masikmura pero hindi mo talaga gusto pero itong mga babae na ito na dating mahinhin at inosente ay napilitang pumasok sa ganitong madilim na industriya para sa pera.

At ikaw na may pera may nabubuo sa isip mo na maling konsepto ng maling pagtulong. Guilty ako dito. Tutulungan mo sila ng pera kapalit ng extra ligaya. Hindi mo alam you are already taking advantage sa isang babaeng napipilitan lang pasukin itong mundo na to. Remember hindi naman ginawa tayong mga tao para maging parausan lang dba. May mga puso din tayo.

Kasi imagine mo kung meron naman sila pera at kaya nila kumita ng malaki gaya ng ibang babae hindi sila papasok dito sa madilim. Hindi kayo magtatagpo ng landas.

May isang girl kasi ako dati na regular panay utang sakin na halos hindi na talaga binabayaran. Hinahayaan ko na lang. Sinusportahan ko kasi mabait naman. Simula nung tumigil ako sa ganito at iniwasan ko na sya nagsimula na gumanda ang buhay nya. Nung iniwasan ko na sya tuluyan, years after nakita ko fb nya may sarili ng bahay, may kotse na. may nadiscover syang business na para sa kanya. Narealize ko ako pala yung nagiging dahilan noon kaya sya hindi makaangat. Masyado sya umasa sa mundong madilim na yun that time at umaasa sya sakin or sa ibang gm.

Dito na pumapasok yung laro ng buhay eh. Minsan sa itaas minsan sa ibaba ka. At kapag hindi ka umayos nandyan pa si Karma. Kapag nasa ibaba ang isang tao huwag mo na sya hilahin pababa. Minsan talaga kailangan nyo lang maghiwalay ng landas at parehas lumagay sa tahimik.
 
Last edited:

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. bagets
  2. mang kanor
  3. buhay studyante
  4. Student
  5. Students
  6. twitter

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 404
    Views
  • 6
    Participant count
Last reply from:
Darkx

Online statistics

Members online
1,155
Guests online
1,288
Total visitors
2,443

Forum statistics

Threads
109,055
Posts
3,362,792
Members
738,733
Latest member
Mr Shadoww
Back
Top