What's new

Sikolohiya sa Likod ng Kagustuhan sa Pakikipagtalik (1 Viewer)

Is this material too NSFW for this section?

  • Yes, move it.

    Votes: 0 0.0%

  • Total voters
    3

EroKaiLogo

Honorary Poster
Upang mapabuti ang ating buhay pakikipagtalik, kailangan nating magsimula sa isang pangunahing, malamang na tanong: bakit ba gusto natin ang pakikipagtalik?

Ang kasiyahan ay maaaring makikita mismo sa pisikal, ngunit ito ay nagmula sa sikolohiya: ang pakikipagtalik masarap sa pakiramdam dahil tayo ay nababalot ng lungkot ng pag-iisa.

Lahat tayo ay malungkot at takot na mga nilalang. Ang buhay ay isang nakakatakot na pagsubok. Kadalasan, hindi natin alam kung ano ang iniisip ng iba; kailangan nating hulaan ang kanilang mga intensyon, at hindi malalaman ang nilalaman ng kanilang mga mithiin at pangamba kung hindi ito sasabihin sa atin.

Sa ating lungkot sa pag-iisa, sinusubukan nating mapalapit at makiisa sa ibang indibidwal, upang malabanan ang distansya at lamig. Ang matinding damdamin ng pag-ibig ay karaniwang napapatindi pagnanasa. Ngunit ang matinding pagnanasa, sa kabuuan ay sumasalamin sa pananabik sa palitan ng damdamin. Ang pagpayag ng isa pang tao na gawin ang pinakamatalik na mga bagay sa katawan sa atin ay ang panlabas na tanda ng kanilang panloob na pagtanggap sa kung sino tayo.

Screenshot_20230302_212929_Chrome.jpg
We Are One by Rox Lee

Kadalasang itinutulak tayo ng lipunan doon sa ideya na ang pagtatalik ay pangunahing tungkol sa katawan, na kinasasangkutan mala-piston na mga pagbayo at akrobatikong mga posisyon. Ngunit sa kaibuturan nito, ang pagtatalik ay isang sikolohikal na kaganapan. Ito ay ang pagtatagpo ng dalawang isip - ginagawa sa tulong ng katawan. Kahit gaano kadilim at masalimuot ang ilan sa ating mga pagnanasa, ang pakikipagtalik ay hindi mahiwaga at hindi malahayop. Nasasabik tayo sa mga lambing - kahit na sa gitna ng mga salita at kilos na maaaring magmukhang agresibo at kahiya-hiya.

Ang mga bagay na tila malaswa ay madalas isang pagsisikap na maabot ang ilang napakadalisay at marangal na mga layunin sa gamit ang ating katawan.​


Nosebleed din pala ang magsulat sa wikang Pilipino, ano?

Gayunpaman, tulad na nakagawian,
Salamat sa pagbabasa nito.
 

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. rox

About this Thread

  • 2
    Replies
  • 279
    Views
  • 3
    Participant count
Last reply from:
sggc

Trending Content

Online statistics

Members online
1,154
Guests online
845
Total visitors
1,999

Forum statistics

Threads
115,828
Posts
3,659,749
Members
709,253
Latest member
haix
Back
Top