EroKaiLogo
Honorary Poster
Sa mga sandaling mababa ang kumpiyansa natin sa sarili - at ito ang maaaring paliwanag ang ilang mga lubak sa relasyon - maaaring mahirap iwasan ang takot na baka tayo ay 'mahina sa kama'.
Tatlong pagkabalisa ang kadalasang nangingibabaw:
• na ang ating mga katawan ay hindi sapat na kaakit-akit;
• na hindi natin nagagawa o hindi sanay sa ilang mga posisyon;
• o, masyado tayong madaling mapagod.
Ang mga takot na ito ay sumasalamin sa isang pananaw na ang sêx ay higit sa lahat ay isang athletic o pisikal na aktibidad... at samakatuwid ang 'magandang pakikipagtalik' ay dapat nakasalalay sa kapasidad na maimanipula ang ating mga katawan nang mahusay.
Ngunit ito ay maaring maging maling akala kung ano ang punto ng erotisismo, dahil kahit na tradisyonal na ginagamitan ng katawan ang pagtatalik, ang sekswal na kasiyahan ay maaaring mas mas wastong isipin na nagmumula sa mga maniobra ng isip.
Tulad ng ipinapakita sa atin ng bagong teknolohiya sa LDR, lubos na posible para sa dalawang tao na makabuo ng pambihirang erotismo kahit habang magkaibang kontinente ang kanilang mga katawan. Iyon ay dahil ang erotismo sa katotohanan ay, kung iisipin, hango sa mga ideya ng isip.
Ang pagiging mabuting kasintahan ay una at pangunahing isang kasanayan ng pag-iisip. Nagiging kasiya-siya ang pakikipagtalik kapag mas nagsisilbi itong pagpapalaya mula sa napakaraming ideya ng kung ano ang normal na nangingibabaw sa buhay na hindi sekswal.
Ang mabuting pakikipagtalik ay nagpapahintulot sa ating aminin at ibahagi, ang napakamaraming kaisipang karaniwang dapat nating itago.
Sa mabuting pakikipagtalik, tayo ay napahihintulutang ipakita na:
• interesado tayong kontrolin at dominahin ang isang tao na higit sa karaniwan, o sa kabaligtaran na tayo ay magpadomina at magpasakop ng walang palag;
• baka gusto nating gibain ang mga hierarchy ng normal na buhay sa pamamagitan ng paggalugad ng mga sitwasyon gaya ng piloto at cabin attendant, mga propesor at estudyante, mga pasyente at mga doktor.
• maaari nating aminin na, kahit tayo'y likas na monogamous, ang ideya ng ibang mga tao na nanonood o sumali sa atin ay talagang nakasasabik para sa atin.
• maaari nating ihayag na ang ating mga erotikong interes ay hindi talaga - tulad ng karaniwan - nakaikot sa lamang sa ari;
na talagang medyo interesado tayo sa ilang mga bagay tulad ng mga pulso o batok o matakong na sapatos o hapit na pananamit.
• Maaaring magkaroon tayo ng sapat na lakas ng loob na hamunin ang mga normal na pagkakasunod-sunod: ipakita na gusto nating gumugol ng mas mahabang panahon nang may suot pang damit; o talagang nagmamadali tayong manghubad na may kapusukan.
Ang kaseksihan ay ang pananabik na pinakawalan mula sa mga bawal sa ibang bahagi ng ating buhay. Ito ay isang ligtas, mapag-aruga na lugar kung saan maaari nating dalhin ang isang tao at ilabas iresponsable, mabagsik at baliw na bahagi ng sarili. Na may isang tao na binibigyan tayo ng pahintulot na gawin ito, iyon ang pangunahing kahulugan ng kaseksihan.
Samakatuwid, ang taong magaling sa kama ay hindi ang taong magaling kumilos nang may ritmo sa loob ng mahabang panahon: ito ang taong naghihikayat, nag-eendorso at bumubuhay sa ating lihim na pananabik, kasabay ng pagkakaroon ng malay at totoo sa kanilang sariling mga pribadong kagustuhan at hilig. Ito ay tungkol sa kapwang hubaran ng isip,
na posible lang sa pamamagitan ng tiwala.