- Posts
- 384
- Reaction
- 805
Lahat po ng Online Gambling/Casino ay designed para manalo ang system nila
Ang mas nakakalungkot pa po dito ay pino promote pa ng mga influencersKung napanood nyo po ang Bird Box, this is the actual embodiment of that idea.
This is not a rant, just a warning dahil ang dami kong kakilala na naaadik sa sugal
short story: Isa po akong service crew sa fast food chain at marami akong close na customer, marami sa kanila ang niyayaya ako mag laro nyan, i tried at nanalo ako ng walang ginagastos, pero hindi ako na enganyo dahil kitang kita ko yung algo, system will always win. Kung manalo man ang isa, talo ang marami... Meron pang isa ang nagsabi sakin na magpayaman nalang ako sa gambling para di na ako mag trabaho, which is maling mali kaya binalik ko rin sa kanya ang tanong na "Ang tagal mo nang ino offer yan sakin ehh bakit nagta trabaho ka parin?"
Hindi po naiiba ang online gambling sa Pyramid Scheme, may sideline ako as webapp dev, mga clients ko yung mga nakikita nyo sa Top Agents na kumikita ng milyon milyon at pare parehas sila ng sinasabi sakin, hindi sila nagsusugal jan kasi matatalo rin lang, pino promote lang nila kaya sila kumikita.
Isa sa pinaka nakaka takot na narinig ko sa players ay yung idea na "Mas malaking taya, mas mataas ang chance na manalo". Maling mali po kasi naka 5k CO ako ng walang ginagastos (maliban sa 200 na cash in) kaya ang idea na mas malaking pera mas panalo ay maling mali.
Kung plano nyong maglaro, please wag kayong umasa na mananalo kayo. SET A LIMIT, kung manalo kayo ng 500-1.5k or matalo kayo ng 200 pesos quit na, at make sure na extrang pera nyo ang isusugal nyo. Naglaro lang ako nito kasi may gameful mindset ako at para malaman ko kung kaya kong talunin ang algo, never kong inisip na kikita ako sa sugal.
I am sharing this based on my experience din sa mga taong nasa paligid ko dahil marami akong kilala na agents at influencers na ginagawang trabaho ang pagkatalo ng iba.
kung ayaw nyong maniwala siguro dito maniniwala kayo
PLAY MODERATELY
Last edited: