What's new

Bahay Ni Kuya Chapter 11.2 (by author Paulito) (1 Viewer)

Dante101

Forum Guru
Elite
Sige pala uwi na ako, thank you for the nice time sabi ko at pumasok na ako sa kotse. Sige ingat sa pag uwi, bukas nalang yung kiss mo sabi nya at napatingin ako sa kanya at napanganga. Tumawa sya at nginitian ako, Bukas? Babalik ako dito bukas? tanong ko. Oo kaya, we have to walk the dogs together, boring naman kung ako lang sabi nya. Parang date ba? tanong ko. Maybe sagot nya at super ngiti ako. Hoy sinabi ko lang maybe no sabi nya. Sus mas maganda na yung maybe kesa sa no, happy day, today is a happy day sana binigla mo nalang sa text bukas ng umaga, sigurado di ako makakatulog nito sabi ko at tumawa sya. Sige na uwi ka na para mamiss naman kita sabi nya. Inandar ko kotse ko pero nakalayo palang ako konti tinigil ko, nilingon ko sya agad, Namiss mo na ba ako? tanong ko at nakikita ko syang tumatawa. Tse! sigaw nya.


Pagkauwi ko sa bahay super saya ako talaga, pagkapasok ko palang ay dinumog na ako ng girls, akala ko happy sila makita ako pero yung tuta pala. Wala ako sa isip ko nung gabing yon, malayo naglalakbay ang isipan ko at si Maureen ang laman niya. Pinagkaguluhan talaga nila yung aso at nakalimutan na nila mag aral. After dinner yung aso parin ang kalaro nila, nagkulong ako sa kwarto ko medyo kinakabahan para bukas. Di ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko, last time na nangyari ito ay nung kinakasama ko pa si Nadine. Di ko alam ano isusuot ko bukas, di ko alam ang aking gagawin. Sabi nya be myself kaya bahala na siguro, pero excited talaga ako.


Madaling araw palang naligo na ako at nagbihis, hinanap ko nasan na yung aso at nahanap ko ito sa kwarto ni Miyu. Tinakas ko yung aso at maaga ako lumabas, nag iwan nalang ako ng note at pinaalala ko na mag aral sila at babalik nalang yung aso after their exams. Nag drive around ako pagkat nakakahiya at wala pang alas syete, pinapakalma ko sarili ko pero nakatanggap ako ng text galing kay Maureen. Be here before seven and it’s a date sabi nya at natatawa ako pagkat malapit lang ako sa bahay nila, kanina pa ako nagpapaikot ikot dito. Agad ako pumunta sa tapat ng bahay nila at tinext ko sya, It’s a date then, look outside text ko sa kanya. Ilang sandali nakita ko may sumilip sa bintana, after a few seconds nagbukas ang pinto at tumatawa sya.


Wait maliligo lang ako text nya kaya nag antay nalang ako sa kotse. After thirty minutes lumabas na sya ng bahay at nabighani ako sa ganda nya. Para syang nakasuot ng manipis na dress na may maiksing skirt pero nakashorts sya. Pagsakay nya sa kotse ang bango bango nya at parang nahypnotize ako agad, Look o namiss nila isat isa sabi nya nang maglaro ang mga aso sa paanan niya. You look saka na yung adjective nahihirapan ako mamili ng tama sabi ko at tumawa sya.


Nagtungo kami sa pinakamalapit na park na konti ang tao at naglakad lakad. Naglalakad kami magkatabi, halos magkadikit kaya ang tindi ng kiliti sa aking tyan. Para akong nanghihina sa tuhod pero pinapakalma ko sarili ko. Being the only guy sa bahay di ka ba natetempt sa mga alaga mo? tanong niya bigla at hindi ko alam kung pano ko ito sasagutin ng tama. Pwede ako magsinungaling at pwede ako magsabi ng totoo, parehas iba ang epekto pero be myself sabi nya.


Well may times na nakakaramdam ako ng iba. Like when they wear those seductive clothes before they go to bed. Tapos pag nagbibiruan sila about you know boobs ganon medyo naglalakbay isip ko. Lalo na sa pool grabe, nakita mo naman how pretty they are and may I add bombastic sila pag nakabikini. Pero I try my best to look the other way nalang and most of the time I look at Miyu to remind me na alaga ko sila at pinagkatiwala sila sa akin ng parents nila sabi ko at tumatawa sya. Halong katotothanan at kasinungalingan ang sinabi ko, gusto ko maging honest at ayaw ko din masira agad sa kanya.

You are so honest alam mo ba yon sabi nya. Oh you want me to be really honest? sabi ko sa kanya at tumawa nanaman sya. Wag na alam ko na sasabihin mo about me sagot nya. Sige nga hamon ko, Sasabihin mo maganda ako sabi nya. Bakit ko sasabihin yon e obvious naman, in short e it’s a fact pero may minor correction, napakaganda dapat sabi ko at bigla nya ako binangga at tumawa. Then you are going to say something nice about my body sabi nya. Nope, no need for that sabi ko. E ano pa? tanong nya. That you are sooooooo .soooooo binitin ko at tinignan nya ako. So ano? sabi nya. Matakaw sagot ko at ang tindi ng tawa nya at ilang beses niya ako binangga.


Pero alam mo you are so torpe naman sabi nya. Oo alam ko yon, inborn talent ko sabi ko at natawa ulit sya. Kanina ko pa dinidikit kamay ko sa kamay mo di mo man lang hawakan sabi nya. Sus kanina ko pa iniisip paano hawakan, iniisip ko kung biglaan ba o parang sa movies na patouch touch konti sabay kawit nung little fingers then holding hands na. Di ako makadecide e sabi ko at napaupo sya at hinawakan nya tyan nya at tinakpan bunganga nya, napapiyak na sya sa tawa at pinagpapalo nya ang paa ko. After a few seconds tumayo sya at hinawakan nya kamay ko, Ayan, ganyan kadali sabi nya. Easy for you to say, pero thanks it feels good sabi ko at siniko nya ako.


Nag brunch kami sa outdoor resto pagkat bawal magpasok ng pets sa indoors. Ayaw naman namin iwanan sa kotse ang mga aso at baka magsuffocate sila. Alam mo I have been in so many dates pero so far this is the best one I ever had sabi nya. Ako din this is the best one I ever had kasi this is the only date I ever had sabi ko at tumawa nanaman sya. Seryoso ako sabi ko at tumigil sya. E pano mo naman pinasagot si Nadine? sabi nya. Ewan ko, I liked her matagal na pero di ko sya niligawan. Lagi lang kami magkasama as friends sa school. I wanted to tell her my feelings pero natatakot ako so ayon satisfied na ako as friends lang. Then one day it just happened umuulan at nasa taxi kami, she leaned on my shoulders and held my hand. Umakyat ata sa 1000 beats per second heart beat ko non tapos sabi nya I love you, naging 2000 beats per second na. Pero after two weeks pfft just like that I caught her in bed with my bestfriend, umalis nalang ako and never talked to her anymore sabi ko.


Sorry sabi nya. Okay lang, matagal na yon di na dapat iniisip yon pero that is how our brain works e, it stores memories. Sana pwede magdelete ng memories at save nalang mga magaganda, parang text ba. When you thought you have moved on biglang papasok mga memories of the past, mga happy times together tapos papasok din yung bad half smile half frown that is how I have been living my life sabi ko at tahimik lang sya. So do you miss her? tanong nya. Not anymore sagot ko. Imposible naman, first love mo and you don’t miss her? sabi nya. I don’t anymore lalo na after nung nakilala ko si Maureen sabi ko at napangiti sya, E ako yon e sabi nya. Ah oo nga no, well ayun ganon sabi ko at tawa sya ng tawa.


So in short dahil torpe ka di mo masabi na you like me sabi nya. Hindi, kaya ko naman sabihin yon e. I do like you pero di ko sinasabi baka sabihin mo habol ko lang katawan mo or attracted lang ako kasi maganda ka. That’s why I don’t say it, I want to get to know you more. Happy na ako sa ganito muna, alam mo yon yung may funny feeling sa tyan, gusto ko pa maramdaman yon ng matagal pa. If I say I like you its either you will say you don’t feel the same way and masasaktan ako. Or you will say you like me too at sasaya ako talaga pero after that everything will change already. Change in a way na mahahalikan na kita or more than that so magbabago na yung thrill. Pag ganito tayo may boundaries pa, I can get to know you more and I can show you sino talaga ako. Siguro sometime later pag napakita ko na lahat then you can decide if you really like me. Ako I do like you pero di ko pa sasabihin yon sabi ko.


Tahimik lang sya pero parang sasabog na mukha nya sa tawa. Ilang sandali pa di na nya napigilan at tumawa na sya. Sinabi mo na din lang e sabi nya at tumawa narin ako. You make my heart beat so fast alam mo ba yon? With the words you say dinadaan mo sa patawa pero those are the words that kahit sinong babae gusto marinig sa isang lalake. Napapagod na ako kakasmile dahil sa iyo kasi super happy ako talaga. I like you Jeff but to be fair hindi ko din sasabihin sa iyo sabi nya at nagkatitigan kami sabay nagtawanan.


Siguro you are asking bakit naging close ako agad sa iyo no? tanong nya. Minsan natanong ko sa sarili ko yon. Pero siguro charming lang talaga ako, another hidden talent I have biro ko at tawa sya ng tawa. Not really, kasi the first time we met, remember nung sinundo mo si Mayumi? When I looked at your eyes kakaiba compared sa ibang guys na mameet ko first time sabi nya. Alam mo yon yung titig manyakis, yung nakikita mo agad yung lust sa mata nila, pero sa iyo di ko nakita yon. Even when we met again to talk about Miyu’s grades wala. Kahit sa dinner that night wala so if you remember I already teased you sabi nya. So you think there is no lust in my eyes sabi ko. Oo that is why at ease ako sa iyo sabi nya. Oo kasi hindi ka dapat sa mata tumingin biro ko at pinalo nya ako at pinagkukurot. Sira! Alangan naman first meeting doon ako agad titingin e di isipin mo na manyakis ako sabi nya.


Pagkatapos kumain bumalik na kami sa kanila, tumambay kami sa likod ng bahay nila at pinanood lang ang mga tuta naglalaro. Naglakas loob ako na hawakan ang kamay nya at tinignan niya ako at nginitian. Maganda siguro makitira ng ilang araw sa inyo sabi nya. Ay oo super saya don pero not now kasi tahimik don at exams na nila e. But after siguro or any ordinary day super saya talaga sabi ko. Hmmm wag na baka may di makapagpigil e sabi nya at natawa ako. Sus di naman ako ganon ano sabi ko. I wasn’t talking about you sabi nya at napatingin ako sa kanya bigla. Nagngitian lang kami at lalo napahigpit ang hawak ko sa kamay nya.


Well if that happens di naman ako papalag e sabi ko at tumawa sya ng matindi at kinurot ako. Alam mo ba bakit di namin pinaputol yung punong yang sa gitna? tanong nya at napatingin ako sa puno na nasa gitna ng garden nila. Bakit kasi takot kayo sa mga laman lupa na nakatira dyan? sagot ko. Parang ganon, may mysterio yang punong yan e, sa likod may nakaukit pa sabi nya. Ano naman nakaukit? tanong ko. Tara ipakita ko sa iyo sabi nya at nagpunta kami sa likod ng puno pero wala naman ako napansin na nakaukit. Wala naman sabi ko. Wala nga talaga sabi nya. Tinignan ko sya at bigla sya lumapit sa akin, I just wanted to hide maybe they are watching sabi nya. And what if they are? tanong ko. E di hindi ko magagawa sana ito sabi nya at niyakap nya ako sabay hinalikan sa labi.



Napayakap din ako sa kanya at tumagal pa ang halikan namin, Malambot ang labi nya pero nasasaktan ako sa braces nya. Di ko na ito ininda pagkat masarap naman ang aking nararamdaman. Maureen teka lang kailangan mo umatras konti sabi ko at lalo pa nya dinikit ang katawan nya sa akin. Why? tanong nya. E kasi down there you know sabi ko at ngumiti sya. Di na tayo bata, normal lang yan sabi nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit at napatingin sya sa boobs nya sabay tinignan ako, Ikaw ha, pasimple ka pa sabi nya at nagtawanan kami.


Maureen ano tawag sa suot mo? tanong ko para maiba ang topic, magkalapit lang ang mga mukha namin sa isat isa at nagdidikit ang mga labi. Its called a baby dress, why? tanong nya. Wala, it looks good on you sabi ko at ngumiti sya. Alam ko iniisip mo nanaman sabi nya. Sige nga hamon ko. Youre thinking na mas maganda kung wala yung shorts ano? sabi nya at natawa na ako. Guilty sagot ko at tumawa sya. Siguro when we are alone in a room pwede mangyari yon, pero in public ganito talaga ang style nya. Maiksi talaga ang baby dress so you have to wear shorts, pwede din pants sabi nya. Mas maganda parin kung wala biro ko at hinalikan niya ulit ako sa labi, masyado madiin ang paghalik nya at talagang nasaktan ako sa braces nya.


Salty pala ang halik mo ano? sabi ko at tinignan nya ako. Salty? Bakit naman? tanong nya. Ah hindi siguro, baka yung dugo lang ito sabi ko, Hala sorry, its because of my braces, malapit ko na ipatanggal ito don’t worry patingin nga sabi nya at tinaas nya ang upper lip ko at bigla nya dinilaan at sugat. Naghalikan ulit kami pero ngayon maingat na sya, Jeff I want you to be honest, I know its our first date or second if you count yesterday are you imagining things more than kissing? tanong nya. Ang hirap naman sagutin niyan, ayaw ko naman magmukhang santo so hindi ha sabi ko at tumawa sya. Sabi ko be honest eh sabi nya. Okay oo pero once lang sabi ko. Really? Once lang? tanong nya. Oo once every hour hirit ko at tawa sya ng tawa at sinakal nya ako.


Ako I will be honest to you at wag sana sasama ang loob mo sabi nya. Okay game sagot ko. Ikaw, honestly nung kinukwento ka lagi ni Miyu iniisip ko ang bait bait mo naman, I really wanted to meet you based sa kwento ni Miyu. Then when I saw you I admit I was expecting a different guy, sorry ha pero I was imagining yung gwapo sobra kasi pag nagkwento si Miyu kinikilig pa sya e kaya naintriga tuloy ako kwento nya. So when you saw me frustrated ka? tanong ko. Not really, im not saying pangit ka ha when I saw you na parang naattract ako in a different way, parang may mysterio na bumabalot tuloy sa pagkatao mo. What would make a teenager feel so kilig about this guy sabi ko, physically he is just a normal guy, may itsura pero iba yung kilig ni Miyu e, and when I looked into your eyes yun na nga iba ka sabi nya. Alien ako ganon? biro ko at tumawa sya at tinuka ako sa labi.


You may look ordinary, but inside you are extraordinary and there is something that you have that would make other guys jealous sabi nya. I have? Ano naman yon? tanong ko at ngumiti sya, Me sabi nya. Di ko alam ano isasagot ko, wala ako maisip, ang ganda ng sinabi nya at para akong lumilipad sa langit. Gusto ko magwala sa sobrang saya pero naninigas ang buong katawan ko, wala na akong magawa kundi ngumiti ngiti na di ko pa nagagawa sa buong buhay ko di pilit basta kusa nalang akong napapangiti sobra sa tuwa.


Kailan lang nawasak ang aking puso at matagal ko dinamdam ang pighati. Salamat sa nakaraan at ngayon natatamasa ko na ang muling kaligayahan. Kaligayahan na ayaw ko na pakawalan.

We all have to taste a little bit of hell in order to enjoy the blessings of heaven by Paulito
 

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. Baby alien
  2. Bahay Ni Kuya
  3. Brace
  4. Dog and girl
  5. Bahay no kuya
  6. Not a minor anymore
  7. Pa walk
  8. Aso
  9. charm santos
  10. Bahay ni kuya chapter 11.2
  11. Paulito
  12. caught on public

About this Thread

  • 6
    Replies
  • 583
    Views
  • 7
    Participant count
Last reply from:
dnd1513

New Topics

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
850
Guests online
740
Total visitors
1,590

Forum statistics

Threads
104,645
Posts
3,186,058
Members
759,159
Latest member
bigchap72
Back
Top