What's new

Trisha Burdado Part 5 (1 Viewer)

Lokisan13

Enthusiast
Nagtaka ako sa text niya na usually hindi naman ganun. Nagpagusapan na lang namin na magkita kami sa park na 1pm ng hapon since pa graduate palang ng highschool si W******.

"Ano ba yung sasabihin mo? Bakit kailangan pa natin magkita?"

W*****: "May nagsabi sakin na may babae ka daw?"

"Sino may sabi?"

W*****: "Hindi importante kung sino may sabi. Mas importante sagot mo."

"Hindi importante? Natural na importante sakin. May naninira sakin tapus hindi importante?"

W*****: "Sagutin mo muna tanong ko. Meron o wala?"

"Natural wala! Ano ba?"

W*****: "Hindi ako naniniwala!"

Sabay abot ng cellphone ko sakanya.

"Kunin mo phone ko at pag may nagtext o tawag diyan na posibleng pangalawa ko, maghiwalay na tayo."

Sa puntong yun ay medyo kinakabahan na din ako at napadasal na wala sana tumawag o magtext.

Umabot din ng apat na oras na bitbit niya ang phone ko itanong ko din siya kung interesado ba siyang kunin sim card ko baka kulang pa din yung kalahating araw. Tinanggihan na niya ko dahil wala naman din daw siya mapapala kung kukunin pa niya sim card ko.

"Pwede mo naman na siguro sabihin kung sino may sabi diba?"

W*****: "Si Chocs may sabi sakin?"

"Nagkita-kita kayo? Hindi ko alam ahh?"

W*****: "Hindi pinuntahan nila Lalaine kagabi nakakwento ko si Kuya Chocs. Tapus sinabi niya sakin."

"Okaaaay?"

W*****: "Wag mo siya aawayin ahh?"

"Hindiiiiii. Wag ka mag-alala."

Pagkahatid ko kay W***** ay naisip ko dumaan kina Chocs para sabay na kami pumunta ng shop.

Chocs: "Kakatapus ko palang maligo. Daan muna tayo kina Markey?"

"Sige lang. May tatanong ako sayo par ahh. Gusto ko magsabi ka ng totoo."

Chocs: "Ano yun?"

"Ikaw ba nagsabi kay W***** na may babae ako?"

Chocs: "Hindi ahhh! ****."

"Pre, sinabi niya na sakin. Ano pa itatago mo?"

Chocs: "Hehehehehe!"

"Nakuu! Chocs baguhin mo yan. Pati tropa mo ilalaglag mo para sa babae."

Alam ko nahihiya siya sakin nun dahil alam ko din ang karakas niya. Hindi sa pagmamayabang ay hindi naman ako pogi o gwapo pero kung naiimagine niyo yung mga emo emo noon? Medyo ganun ako at kung si Chocs lang naman makikipagagawan sakin ay panatag ako.

Makalipas ang isang buwan ay highschool graduation na ni W***** at inimbitahan niya ako pumunta sa school para makita siya nakatoga at umakyat ng stage. Ilang araw bago yun ay sinabihan niya na ko pumunta ako at naka-oo na din ako sakanya. Mga bandang 8am nang umaga ay nagtext sakin si Trisha.

Trisha: "Pwede ba tayo magkita? Pinalayas ako ee."





Itutuloy. . . . . . . . . .

Pareact mga idol at pafeedback na din para ganahan sa pagkwento ng buhay ko.
Medyo bumagal pagaupload dahil sa pagod sa office. Bawi pagokay na lahat.
 

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. Highschool
  2. emo
  3. choc
  4. tropa ni

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 228
    Views
  • 1
    Participant count
Last reply from:
Lokisan13

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
852
Guests online
1,029
Total visitors
1,881

Forum statistics

Threads
108,764
Posts
3,349,518
Members
739,870
Latest member
camiguin09
Back
Top