What's new

Payo sa mga pagod sa buhay (1 Viewer)

hahatdog_

Journeyman
Established
Hello po! Alam kong iba-iba tayo ng mga pinagdaraanan sa buhay, pero kahit ganoon sana makatulong itong munting payo ko sa mga gustong bumasa nitong post.

Una, huminga ka ng malalim. Kung nagawa mo ‘to, congrats! Ibig sabihin buhay ka pa at kaya mo pang gumalaw dito sa mundong ibabaw. Ibig sabihin, may magagawa ka pa na pwede mong gawin.

Pangalawa, tumigil at magpahinga. Hindi ba pagod ka na? Kahit gaano pa kabigat ang gawain kung hindi mo naman mabibigay ang 100 percent mo ay wala ka ring mapapala. Pero lagi mong tatandaan na ang problema ay nandiyan lang kung hindi mo gagawan ng paraan. Take a short break ba. Tao ka lang rin na kailangan ng pahinga, kahit sandali man lamang.

Pangatlo. ‘Pag nakapagpahinga ka na, reflect. Magmuni-muni. Balikan mo kung bakit ka pa lumalaban. Balikan mo rin kung gaano ka na kalayo nakarating. Kung kaunti pa lang ang nagawa mo, mas mabuti na ‘yon kaysa sa wala ‘di ba? Kahit ang mundo’y gumagalaw nang wala tayong ginagawa, ang mundo rin ay kaya nating galawin sa mga simple nating kakayanan.

Pang-apat. Kapag sa tingin mo ay handa ka na, lumaban ka uli. Hindi natatapos ang laban nang hindi tapos ang lahat. Pero tandaan, kailanman hindi matatapos ang pag-ikot ng mundo. Nasa iyo na kung babangon ka sa kama at haharapin mo ang araw.

Sana makatulong ;)) Hanggang sa muli!
 

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. Dibdib

About this Thread

  • 1
    Replies
  • 178
    Views
  • 2
    Participant count
Last reply from:
onsedump

Online statistics

Members online
634
Guests online
861
Total visitors
1,495

Forum statistics

Threads
108,201
Posts
3,332,476
Members
742,700
Latest member
jfar2217
Back
Top