imbaustic
Forum Veteran
Part 1
“Honey, alis na ako. I love you. Ingat ka dito.”
“I love you too, honey. Ingat ka din ha. Uwi ka ng maaga.”
Ito ang halos araw-araw kong naririnig at nakikita sa kapitbahay naming sina Jayson at Novy. Katulad ngayon, medyo nakaramdam pa ako ng paninibugho sa puso ko. Sadyang napaka-sweet ng mag-asawa. Mag-iisang taon na namin silang kapitbahay mula ng mabili nila ang bahay at lote sa tabi namin. Wala silang anak at mga bata pa naman sila na sa pagtantiya ko ay parehong nasa mid to late twenties pa lang. Napakaganda at napakasixy ni Novy at okay lang naman ang asawa nitong si Jayson, hindi guwapo pero hindi rin pangit, katamtaman lang.
Empleyado ng isang private company si Jayson at plain housewife naman itong si Novy. Mababait silang kapitbahay, ayun sa nanay ko na napatunayan ko din naman na totoo hindi dahil sa nakikita ko sila lagi kundi dahil interesado akong malaman ang detalye ng mga buhay nila.
Ako si Weng, Ruel ang tunay kong pangalan. First year college sa kursong AB, nag-iisa akong anak pero hindi kami mayaman dahil maagang namatay ang tatay ko. Si nanay naman ay walang trabaho noon ngunit nagsikap siyang mabuhay kami at pinag aaral niya ako ngayon . Alam kong nahihirapan siya kaya naman nagsisikap akong talaga. Disiplinado ako at magalang. Kinagigiliwan lalo na dahil sa hitsura ko na pwedeng ipangtapat kay Piolo. Mas maganda nga lang ang katawan ni Piolo dahil hindi labas ang masel ko at abs. Kaya lang mas lalake ako kesa kay Piolo.
May isa pa akong problema , hindi ko pa nararanasang magka gf dahil torpe ako, sobrang torpe pagdating sa babae. May crush na crush ako noon at ipinakilala sa akin ng kaibigan kong si Rey pero ni hindi man lang ako nakaimik noong kaharap ko na ang babae. Parang umurong ang dila ko at biglang nagkasakit. Oo, ganun ako, ganun na ganun. Duwag at nakokontento na lang sa pagsulyap-sulyap sa babaeng nagugustuhan ko. Marahil dahil na rin sa estado sa buhay.
“Alam mo, hanggat hindi mo tinatanggal yang pagkatorpe mong iyan hindi ka magkakasyota and worse baka hindi ka rin makakapag-asawa. Naku, kung pwede lang sanang ako na ang manligaw para sayo.” Ito ang malimit kong marinig sa nanany ko at sa kaibigan kong si Rey.
Pero anong magagawa ko, ganun talaga ako, ewan ko ayaw ko din naman ng ugali kong iyon, pero hindi ko ma-overcome eh, anong gagawin. Para akong maysakit kapag nakaharap na ako sa babae lalo na sa maganda at sa gusto ko. Ito ako at ito ang dilemna ko.
“Hi, Wel. Wala kang pasok ngayon?” Ito ang narinig kong pagbati sa akin ng maganda naming kapitbahay na si Novy.
“Hello po, wala po ngayong umaga, mamamayang hapon pa po ang klase ko. May gusto po kayong ipagawa? Pwede ko po kayong tulungan.” Sagot ko sa kanya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis na halos ikatunaw ng puso ko.
Sa lahat ng babaeng crush ko kay Novy ko hindi nararamdaman ang pagkatorpe, ewan, siguro dahil may asawa na siya.
at wala rin naman na akong mapapala.
“Pasama sana ako sayo sa bayan, may mga kailangan lang akong bilhin at kailangan ko ng tigabitbit. Bayaran na lang kita. Pwede ba, ubos na kasi mga groceries naming dito eh, please.” Malambing nitong pakiusap sa akin habang matamang nakatitig sa mukha ko na nagsisimula na yatang mamula dahil sa hiya.
Sa totoo lang kahit hindi siya makiusap ay willing akong samahan siya kahit saan pa siya pumunta. Sobrang crush ko si Novy, hindi mahal ko na nga yata siya. Ang problema lang ay may asawa na ito at tiyak na malaking gulo ang kahihinatnan. Isa pa, sino ba naman ako para gustuhin niya, guwapo ako oo pero walang binatbat. Isang 19 year old na nagpipilit makapag-aral upang makaahon sa hirap.
“Wala ho kayong dapat ipag-alala, wala naman po akong gagawin eh.” Ang sabi kong may bahid ng hiya sa aking tono.
“Halika muna sa loob at may gagawin tayo sandali ha.”