What's new

Mga katanungan about sa pagbabate (1 Viewer)

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Medyo maselan ang mababasa mo
So open minded ka lang

MGA KARANIWANG TANONG TUNGKOL SA PAGJAJAKOL O MASTURBATION
1. Ano ang pagjajakol o masturbation?

Ang pagjajakol o masturbation ay ang pag-stimulate o paglalaro ng ari ng lalaki hanggang ito ay tigasan (erection) at labasan ng semilya (ejaculation). Maraming ibang tawag dito, gaya ng pagbabate o pagsasalsal. Ang pagjajakol, lalo na ang pagpapalabas ng semilya o orgasm ay karaniwang may kasamang pakiramdam ng aliw na katulad ng nararamdaman sa pakikipagtalik.

2. Nakakasama ba ang pagjajakol o masturbation sa kalusugan?

May mga relihiyon at paniniwala na nagtuturo na masama ang pagjajakol – at ang paksang ito ay hindi sakop ng website na ito – ngunit kung ang pag-uusapan ay ang epekto lamang nito sa katawan, walang ebidensya na may masamang epekto ito. Ito’y maaari lamang ituring na nakakasama kung nakaka-apekto sa pag-aaral o sa pang-araw araw na buhay.

3. Nakakasama ba o nakakasira sa katawan ang sobrang pagjajakol?

Hindi. Muli, walang ebidensya na nakakasira sa katawan ito, bagamat kung mapasobra sa pagjajakol ay maaaring makaramdam ng kirot o sakit sa may itlog. Ang maaaring panganib lamang nito ay kung ikaw ay na-adik na sa pagsasalsal. Gaya ng ibang ka-adikan, ito’y hindi nakakabuti sa mga tao, lalo na sa mga kabataan.

4. Nakakabaog ba kung masobrahan sa pagjajakol?

Wala ring ebidensya na nakaka-baog ang sobrang pagjajakol. Ang pag-gawa ng semilya sa mga itlog ng lalaki ay tuloy-tuloy mula sa pagbibinata ng isang lalaki hanggang sa kanyang pagtanda. Ngunit, kung sobra sa pagjajakol ay maaaring kulangin pansamantala ng likido na kasama ng mga sperm cell, na siyang ginagawa sa prostata at sa iba pang maliit ng bahagi ng katawan na nakakabit sa lagusan ng ihi.

5. Totoo ba ang nakakatangkad ang pagjajakol?

Hindi. Nagkakataon lang na ang edad kung kailan naguumpisa ang pagtangkad at paglaki ng mga binata ay siya ring panahon kung kailan karaniwang nag-uumpisa ang mga ito na mag-jakol o mag-masturbate.

6. Nakaka-apekto ba ng laki o haba ng ari ng lalaki ang pagjajakol?

Hindi rin. Ang laki, haba, at hugis ng ari ng lalaki ay hindi naaapektuhan ng pagjajakol, o anumang gawain. Tingnan ang artikulong ito tungkol sa pampalaki ng ari ng lalaki.

7. Sumasakit ang aking itlog pagkatapos mag-jakol. Normal ba ito?

Paminsan, maaaring sumakit ang prostata ng lalaki, na ang pakiramdam ay parang masakit ang bayag, lalo na ang ilalim nito. Ito ay maaaring kung nasobrahan ang pagjajakol sa isang araw, ngunit normal lang na ito ay mangyayari, at mawawala rin makaraan ang ilang minuto.

Subalit, may ibang ring kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit sa bandang itlog, gaya ng prostatitis (pamamaga ng prostata) at UTI. May mga sintomas bang iba, gaya ng pananakit sa pag-ihi, pananakit habang nilalabasan ng semilya? Masakit na masakit ba ang nararamdaman, at tumatagal ng higit pa sa isang oras? Kung may mga ganitong sintomas, magpatingin sa doktor upang masuri ng mabuti ay iyong karamdaman.

8. Normal lang sa isang 9 taong gulang kong kapatid na lalaki nang nakita ko siyang nag ma masturbate at nilabasan na rin po sya.

Mula sa perspektibong medical, ang masturbation o pagjajakol ay normal lamang sa mga bata at hindi naman ito nakakasama. Basahin ang mas mahabang sagot sa artikulong ito sa Kalusugan.PH: “Masturbation: Normal lang ba sa mga bata?”

9. Ang pagjajakol ba ay nakakapayat?

Hindi. Hindi rin ito nakakataba. Walang kaugnayan ang pagjajakol o masturbation sa timbang ng isang tao.
 
Ah ganun pala yun hehehe..m Mga 3 times a week lang naman ako... Masskit na kasi eh.. Wahahaha:)
Wag mo po gawing hobby pag kokolja okey naman siya pero may side effect yan like
Hair loss,mababang s3lf esteem,pagsakit ng kasokasohan,pagiging mahiyain at iba pa
 
Last edited by a moderator:

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. Yani

About this Thread

  • 62
    Replies
  • 906
    Views
  • 33
    Participant count
Last reply from:
goriosan

Online statistics

Members online
643
Guests online
566
Total visitors
1,209

Forum statistics

Threads
105,015
Posts
3,202,271
Members
758,005
Latest member
pixelheroes
Back
Top