baka panay brutsa mo kaya ganun... pero ito madalas cause nyan
Ano nga ba ang sanhi ng sakit na ito?
May ilan sanhi ang balisawsaw o masakit at madalas na pag-ihi:
1. Impeksiyon. Isa sa pinakakaraniwang sanhi ay urinary tract infection (UTI), lalo sa mga babae. Pumapasok ang bacteria sa bladder papunta sa urethra at nagkakaron ng impeksiyon. Maaaring may impeksiyon sa kidney, bladder, o urethra, kaya masakit ang pag-ihi.
Maaring sanhi din ito ng vaginal infection, tulad ng yeast infection, na may kasamang mabahong amoy at discharge.
Mayro'n ding sexually transmitted infections tuald ng ******* herpes, chlamydia, at gonorrhea, na bukod sa makirot na pag-ihi ay may kasamang pangangati, hapdi at sugat.
2. Pamamaga, dahil sa bato sa urinary tract, pagkairita ng urethra dahil sa pakikipagtalik, interstitial cystitis na sanhi ng pamamaga ng bladder, mga sintomas ng menopause, sensitibong ari dahil sa paggamit ng mabangong sabon, toilet paper, o douche at spermicide, mga aktibong gawain tulad ng pagbibisikleta o pangangabayo.
3. Overactive na bladder. Ayon sa mga urologists ng Mayo Clinic, ang pag-ihi ng 8 beses pataas sa loob ng 24 na oras ay matuturing na “frequent urination”. May naitalang kaso ng overactive bladder sa Amerika pa lamang na nasa halos 33 milyon, na inilathala ng American Urological Association, o 40% ng kababaihan sa United States.
Ang sakit na diabetes ay maaari ding sanhi ng madalas na pag-ihi. Nariyan din ang labis na pag-inom ng caffeine, nicotine, artificial sweeteners, at ******* na maaaring makairita sa bladder, at makapagpalala sa mga sintomas ng madalas na pag-ihi.
4. Ibang sakit. May ilang mga sakit din na nagiging sanhi ng aktibong bladder at madalas na pag-ihi. Nariyan ang mga kondisyong nakakaapekto sa muscles, nerves, at tissues, tulad ng stroke o multiple sclerosis (MS), estrogen deficiency dahil sa menopause, at labis na bigat ng timbang, pati tumor sa urinary tract. Maaaring side effect ng ilang gamot o medikasyon o supplements.
Ang ilang sintomas na karaniwang kasama ng madalas na pag-ihi o pakiramdam na niihi, ay lagnat, abnormal discharge, labis na pananakit ng ari pero hindi tuluy-tuloy, at kung ang ihi ay patak-patak lang o madami, at may hapdi o kirot sa paglabas ng ihi. Madalas din ay may malakas na amoy ng ihi, masakit ang lower abdomen at lower back, malabo ang ihi o may dugong kasama, labis na giniginaw, pagkahilo at hindi makontrol ang paglabas ng ihi.