imbaustic
Forum Veteran
Sana ay magustuhan ninyo
itong ikukumpisal ko sa
iyo..
Dati ay kuntento na ako sa
pagbabasa ng kuwento
dito sa site na ito. Ngayon
ay isa na rin pala ako sa
magbabahagi ng mga
personal na nakaraan na
nagyari sa akin. Hindi ko
alam kung kakaiba ito sa
mga nagsusulat dito ng
kanilang mga karanasan.
Sa dami ng mga nababasa
ko dito at marami pa ang
tiyak na magsusulat dito
ay hindi ko na matandaan
lahat ng kuwentong
nabasa ko na.
Hindi na ako mahihiyang
ikuwento ang aking
nakaraan sa inyo…
Para sa akin ay makulay
ang nakaraan ko. Makulay
na ang ibig kong
ipakahulugan ay maraming
pangyayari na hindi ko
lubos maisip kung bakit
biglang dumating ito sa
akin. Ngunit inaamin ko sa
aking sarili na ako talaga
ang nagkamali. Dahil kung
hindi siguro ako nagpadala
sa tukso at buyo ng
damdamin ay baka buo pa
rin ang pamilya ko.
Ako si Susan, 30 taong
gulang, may asawa.
Maganda ang aking
mukha, marami ang
nagsasabi na hawig daw
ako kay Jackie Rice na
isang sikat na artista,
maputi, may kagandahan
ang korte ng katawan at
medyo may kalakihan ang
aking dibdib. Mayroon na
akong tatlong anak dahil
maaga akong nag-
asawa.. at ito ang aking
naging buhay..
Tahimik kaming
nagsasama ng aking
asawa. Apat ang anak ko
na mga binatilyo’t dalagita
na. Ngunit mahirap din
pala kapag
nagkakasabay-sabay na
lumalaki ang inyong mga
anak. Problema namin
kadalasan ang pang
gastos sa araw-araw, eh
hindi naman kalakihan ang
kinikita ng mister ko.
Natuto kaming mag-
asawa na magtiis,
magtipid at isakripisyo ang
personal na kaligayahan
alang-alang sa mga anak
namin. Kapag
magkasarinlan na kami sa
gabi ay doon namin
napapag-usapan na
pasasaan at balang araw
ay giginhawa rin ang
buhay namin kapag
napagtapos ang mga bata
sa pag-aaral.
Ngunit sadya talaga
sigurong dumarating ang
mga pagsubok sa buhay.
Ang masakit, pag
dumating pa ito ay
kumakapit sa mga taong
katulad namin na maliit
lang ang katayuan sa
buhay. Natutong gumamit
ng bawal na gamot ang
pangalawa naming anak
na lalaki. Buong akala
naming mag-asawa ay
maayos na nag-aaral siya
ngunit hindi pala.
Nalaman ko na lang sa
kanilang eskwela na hindi
pumapasok ang anak ko.
Ipina-tawag ako ng
teacher niya para kausapin
tungkol dito. Kinausap
naming mag-asawa ang
pangalawa kong anak
ngunit nagkasakitan pa sila
ng kanyang ama. Mula
noon, hindi na pumasok
ang anak ko at naging
palaboy na lang. Kapag
umuuwi naman ay nag-
aaway silang mag-ama.
Magmula noon laging
buryong ang asawa ko.
Parang na-depress siya
sa ginawa ng anak namin.
Hirap na hirap kaming
maiahon sila tapos ganito
pa ang gagawin niya sa
amin ng kanyang ama. At
imbes na magbago at
humingi ng tawad sa
kanyang ginawa ay pinili
pa na magpakalulong sa
kanyang barkada na
masamang impluwensiya
sa kanya.
Matagal-tagal na rin iyon
nang biglang may
dumating na isa pang
dagok sa buhay namin.
Kasama ang asawa ko sa
naalis sa kanilang trabaho
dahil hindi na raw kayang
magpa-suweldo ng
maraming tauhan.
Ang kaunting natanggap
ng mister ko ay hindi rin
nagtagal at naubos agad.
Nakahanap naman siya
pero hindi permanente.
Simula noon pa-sideline,
sideline na lang kung
mamasukan ang mister ko
kaya naman ang hirap
pagkasyahin ng kanyang
pera.
Dito kami umabot sa
puntong nanghihiram na
ako ng panggastos
minsan. Ang minsan ay
naging madalas.
Nagkagalit pa nga kami ng
isang kapatid ko na hindi
namin mabayaran agad
ang naiipon na palang
pagkakautang namin. Wala
namang maitulong ang
mga magulang ko dahil
matatanda na sila.
Ang hirap ng kalagayan
namin. Nagsasakripisyo’t
nagtitiis na nga kaming
mag-asawa para sa
aming mga anak ngunit
hindi pa rin ito sapat.
Kailangan talaga ang pera
upang makaraos kami.
Gusto ko sanang umuwi na
lang kami sa probinsya ng
mga magulang ko ngunit
ayaw ng asawa ko. Pipilitin
daw niyang kayanin na
balikatin ang kanyang
pasanin. Ngunit alam kong
sa salita lang niya
magagawa iyon.
Sa lugar na lang namin ay
kinakapalan ko na lang ang
aking mukha sa
panghihiram kapag kapos
na kapos talaga kami. Lalo
na kapag kailangan ng
mga bata ang pera.
Dagdag na pabigat pa
ang nagloko naming anak
dahil minsan ay nahuli ito
at naawa naman ako na
makulong siya kaya
ginawan ko ng paraan na
mailabas siya dahil menor
de edad pa.
Galit na galit sa akin ang
asawa ko. Inaway niya ako
dahil bakit ko pa raw
kinunsinti iyon samantalang
hindi na nga raw siya
nirerespeto nito. Idinadaan
ko na lang ang lahat sa
iyak kapag mag-isa na
lang ako sa bahay.
Mabigat sa kalooban ko
ang ginawa ng anak kong
lalaki ngunit hindi ko rin
matiis na malamang
nakakulong siya. Ngunit
hayun ang tarantadong
anak ko, paglabas ay
parang walang anuman
ang nangyari at bumalik pa
rin sa dating gawi.
Hindi iyon ang unang
pagkakahuli sa kanya.
Nang sumunod ay nalaman
na iyon ng asawa ko at
pinagsabihan agad niya
ako na huwag nang
pakikialaman an gaming
anak para magkaroon daw
ito ng leksyon.
Ilang araw rin na hindi ako
mapagkatulog sa pag-
aalala. Hindi siguro ako
masisisi na mag-alala
dahil sino ba namang ina
ang hindi malulusaw ang
puso kapag may
nangyaring masama sa
kanyang anak. Ngunit lahat
ng ito ay kinimkim ko lang
sa aking sarili.
Gusto ko sanang tikisin ang
aking anak para maturuan
ito ng leksyon. Ngunit
bumigay rin ang pusong
ina sa akin. Nag-isip ako
kung paano makakagawa
ng paraan para mailabas
siya. Kailangan ko na
naman ng pera at iyon ang
problema kung saan ako
maghahagilap ng
pampiyansa sa kanya.
Nahihiya na akong lumapit
sa mga dati kong
nilalapitan. Lalo pa siguro
kung lalapit ulit ako sa
kanila at malalaman na
gagamitin ko lang para sa
anak kong nakulong. Ngunit
kailangan kong kumilos
hanggang sa may
nakapagsabi sa akin na
subukan ko raw kausapin
ang kapitbahay naming si
Marlon.
Si Marlon ay hindi naman
mayaman ang pamilya.
Ngunit medyo nakaka-
angat ang buhay nila roon
sa kalye namin. Kailanman
ay hindi ko pa nasubukang
lumapit sa kanya. Kaya ito
ang unang pagkakataon na
susubukan ko pa lang
hingan siya ng tulong.
May asawa’t mga anak na
rin si Marlon. Tahimik ang
kanilang buhay ngunit kilala
siya sa lugar namin na
mahusay makisama.
Katunayan ay madalas na
may nag-iinuman sa
bahay nila. Ang mga
kainuman niya ay ang
kanyang mga barkada roon
sa lugar namin.
Dala ng mahigpit na
pangangailangan ay
lakas-loob akong pumunta
sa kanila. Ang kanyang
asawa ang una kong
nakausap ngunit mabuti pa
raw kung si Marlon ang
diretsong kakausapin ko
dahil hindi siya ang
humahawak ng pera nila.
Tinawag niya si Marlon at
paglabas ay iniwan kami
ng kanyang asawa sa
kanilang sala. Bago pa ako
nakapagsalita ay inunahan
na ako ni Marlon. Kung ang
sadya ko raw ay humiram
para sa anak kong
nakulong ay walang
problema.
Lumukso ang puso ko sa
labis na katuwaan. Hindi
na ako nahirapang
kausapin pa sila at parang
siya na mismo ang nag-
alok ng tulong sa akin.
Laking pasasalamat ko sa
kanila at nangakong
babayaran agad iyon
kapag nagkaroon na ako
ng pera kahit ang totoo ay
hindi ko pa naiisip kung
saan ko naman hahagilapin
ang ipambabayad sa
kanila.
Ngunit bago ako umalis ay
mahigpit ko siyang
pinakiusapan na huwag na
huwag makakarating sa
kaalaman ng aking asawa
na humiram ako sa kanila
ng pera. Nangako naman si
Marlon at sinabi pa nga sa
akin na naiintindihan daw
niya na nag-aaway ang
mag-ama ko.
Lumabas ang anak ko
ngunit hindi siya umuwi sa
amin. Pumupunta lang siya
kapag alam niya na wala
ang kanyang ama. Ako
naman ay problemado na
sa dami ng kompromiso.
Lalo na nang pinuntahan
ako ng anak ni Marlon at
ipinatatanong daw ng
kanyang ina ang hiniram
ko. Wala akong maisagot
at sinabihan ko na lang
ang bata na pupunta ako
sa kanila.
Tuliro ako at hiyang-hiya
habang kausap ko ang
kanyang asawa na medyo
may kasungitan noong
araw na kausapin ko ito.
Mabuti na lang lumabas si
Marlon at siya na raw ang
bahalang makipag-usap
sa akin tutal ay sa kanya
ako personal na humiram.
Inamin ko ang totoo kay
Marlon na wala pa akong
maibabalik kahit magkano
sa aking hiniram.
Naunawaan naman niya
ako at pumayag na kapag
nakaluwag na ako ay saka
ko na lang ibibigay sa
kanya ang hiniram ko.
Hiyang-hiya ako ngunit
kailangan kong kapalan
ang aking mukha.
Wala akong kaalam-alam
na ang kabaitang
ipinapakita sa akin ni
Marlon ang unti-unti
palang magtutulak sa akin
sa kumunoy ng
pagkakasala. Umpisa noon
kapag napapadaan ako sa
kanila at natitiyempong
nasa labas si Marlon ay
tinatawag niya ako. Hindi
para maningil kundi
kinukumusta lang ang aking
anak. Wala naman akong
ibang masabi kundi ang
totoo na hindi pa rin
nagbabago ang anak ko.
Kahit may mga kaharap
siyang barkada at nag-
iinuman sila, kapag
dumadaan ako sa kanila at
nakita niya ako ay
tinatawag ako ni Marlon.
Tumatayo pa iyan sa
kanyang kinauupuan para
lumapit sa akin at
makipag-usap sandali.
Nahihiya akong lumapit
kapag nandoon ang
kanyang mga kaibigan
dahil kung makatingin ang
mga ay parang mga
nakakaloko at
nagbubulungan pa ang iba.
Ngunit nahihiya naman
akong hindi lumapit dahil
sa kompromiso ko kay
Marlon.
Ganoon ng ganoon lagi.
Ako na nga ang umiiwas na
dumaan sa kanila.
Hangga’t maaari ay
ayokong matatawag pa
niya kapag kaharap ang
kanyang mga barkada.
Subalit magkapitbahay
kami kaya hindi maiiwasan
na mapadaan ako ng
madalas sa kanila.
Gabi noon at walang ibang
tao sa bahay kundi ako
lang. Biglang dumating si
Marlon na sa itsura pa
lang ay halatang
nakainom. Hindi ko
malaman ang aking
gagawin sa pag-aakalang
maniningil na siya. Pero
pinakiharapan ko siya ng
maayos at pinapasok ko
pa sa loob ng bahay.
Ihinatid daw niya sa
labasan ang kanyang mga
kaibigan. Wala raw siyang
ibang sadya kundi ako.
Nang magpapaliwanag na
sana ako tungkol sa
hiniram ko sa kanila ay
bigla niya akong nilapitan
at hinawakan sa kamay.
Kumabog ang dibdib ko sa
ginawa ni Marlon. Pisil pa
lang niya sa kamay ko ay
ramdam ko nang may halo
itong malisya.
May itsura ka at bata pa.
Mukhang matanda ka lang
dahil siguro sa problema
ninyong mag-asawa,”
ayon kay Marlon. Tinanong
ko siya kung ano ang ibig
sabihin ng kanyang
ginagawa sa akin. Ngumiti
si Marlon sabay sabi sa
akin na kung nakaka-
intindi raw ako, dapat ay
alam ko kung ano ang ibig
n’yang sabihin sa akin.
Inalis ko ang aking kamay
sa kanyang
pagkakahawak. Sabay
pinakiusapan ko siya na
kung maaari ay umalis na
siya at baka abutan pa
kami ng aking asawa.
Tiyak ‘kako na
magtatanong iyon kung
bakit nandoon si Marlon sa
bahay at baka malaman
na humiram ako sa kanila
para mailabas lang ang
anak ko sa kulungan.
Imbes na pakinggan ang
pakiusap ko ay lumapit
muli si Marlon sa akin at
hinawakan ulit ako sa
kamay. Umiwas ako ngunit
kasabay ng pag-iwas ko
ay niyakap niya ako.
Nagpanting ang tenga ko
sa galit at pilit ko siyang
itinutulak. Ngunit wala
akong magawa dahil mas
malakas siya sa akin.
Hindi ko rin magawang
sumigaw dahil ewan ko ba
kung bakit ang unang
pumasok sa utak ko ay
baka marinig kami sa
bahay nila na katabi lang
sa amin. Nagpumiglas ako
ngunit hindi bumitiw si
Marlon. Hanggang sa
nahalikan niya ako sa labi.
Kung hindi ko pa siya
kinagat sa labi ay hindi pa
siya lalayo sa akin.
Lasing ka lang, umuwi ka
na bago pa dumating ang
asawa ko,” sabi ko kay
Marlon. Akmang lalapit ulit
siya sa akin ngunit lumayo
na ako. Nagsalita siya at
sinabi sa akin na pag-
isipan ko raw ang sinabi
niya sa akin sabay
humakbang na siyang
palabas.
Ngunit bago tuluyang
lumabas ng bahay namin
ay nagbitiw pa siya ng
salita. “Masarap ka pa rin
halikan. Pag may problema
ka ay huwag kang
mahihiyang lumapit ulit sa
akin,” ayon kay Marlon na
nakangiti. Sa kanyang
sinabi ay pinunasan ko ang
aking labi para mawala
ang bakas ng kanyang
halik.
Hindi ko kinuwento ang
nangyari sa amin ni Marlon
pagdating ng asawa ko.
Ayaw kong madagdagan
pa ang kanyang problema.
Ngunit hindi ako makatulog
kahit nakahiga na katabi
ang aking asawa.
Naglalaro sa isip ko ang
ginawa sa akin ni Marlon
kanina at paulit-ulit na
bumabalik sa aking alaala
ang kanyang mga sinabi.
itutuloy ….
Part 2
Simula noon ay iniwasan ko
na talaga hangga’t maaari
ang magkita kami ni
Marlon. Nag-iisip na rin
ako ng paraan kung paano
maibabalik ang hiniram
kong pera sa kanila. Alam
kong hangga’t may
kompromiso ako sa kanila
ay naroroon ang
pagkakataon para kay
Marlon na makalapit sa
akin.
Ngunit nasundan muli ang
ginawa niya sa akin.
Itinaon niyang mag-isa ulit
ako sa bahay at araw pa
man din kung kailan wala
sa bahay ang aking asawa
dahil pumasok ito sa
trabaho at nag-aaral
naman ang mga anak
namin.
Mas malakas ang loob ni
Marlon ng araw na iyon.
‘Hindi ko nga sukat-
akalain na darating siya at
wala akong kaalam-alam
na nakapasok na pala siya
sa loob ng aming
pamamahay na hindi ko
man lang nalalaman.
Nasa kusina ako noon nang
bigla siyang pumasok na
lang. Ang akala ko ay ang
asawa ko lang iyon na
hinawakan ako sa bewang.
Hindi ko kasi nakita ang
pagpasok niya dahil
nakatalikod ako at
naghuhugas ng kaldero sa
lababo. Hindi ko rin narinig
kahit kaluskos man lamang
niya dahil siguro ingat na
ingat din siya sa pagpasok
para hindi ko marinig.
Sa gulat ko ay hinarap ko
kung sino ang humawak sa
aking bewang na sinundan
pa ng pagtapik sa aking
balikat. Si Marlon na
naman! Inamoy ko kung
lasing siya ngunit hindi
naman at wala rin sa
itsura niya ang nakainom
siya ng alak gaya noong
unang pumasok siya sa
bahay namin na mag-isa
lang ako.
“Bakit bumalik ka pa?” ang
sabi ko. Hindi niya ako
sinagot, sa halip ay
niyakap at sinibasib niya
ako ng halik sa labi.
Lumaban ako ngunit
nangibabaw ang kanyang
lakas, Nang pagbantaan ko
siyang sisigaw ako para
marinig sa bahay nila ay
lalo pa niya akong niyakap
at hinalikan sa labi.
Pilit akong nagpupumiglas
mula sa kanyang yakap
ngunit pinag-ibayo pa ni
Marlon ang pagkakayakap
sa akin at para siguro hindi
ako makasigaw ay mariing
hinalikan niya ang aking
labi. Saka lang niya ako
binitawan nang hindi na
ako gumagalaw at
hinayaan siya sa kanyang
kalapastanganan. Ngunit
ramdam ko ang kanyang
mga halik sa aking labi.
“Umalis ka na bago pa
makarating sa asawa ko
ito,” ang sabi ko sa kanya.
Ngunit hindi natinag sa
kanyang kinatatayuan si
Marlon. “Kursunada kita at
kung payag ka ay wala
namang makakaalam nito
dahil itatago natin ito at
matutulungan pa kita,”
ayon sa kanya. Sinabi pa
niya na magkita kami
kinabukasan upang pag-
usapan namin ang utang
ko.
Hindi ako nakakibo sa
kanyang sinabi. Pero
aaminin ko sa inyo na
natukso ang isip ko sa
iniaalok ni Marlon. Alam
kong malaki ang kanyang
maitutulong sa akin kung
sakaling papayag ako
ngunit namamayani pa rin
sa dibdib ko ang takot
sakaling sumawsaw ako
sa pagkakasala.
Nakatulugan ko pa ang
pag-iisip. Kaya lang ako
nagising ay dahil parang
naalimpungatan ako at
iyon pa rin ang laman ng
isip ko, ang nangyari sa
amin kahapon at ang
nakatakdang pagkikita
namin ni Marlon ng araw
na iyon.
Hindi ako makakilos ng
maayos kahit mag-isa na
lang ako sa bahay. Hindi ko
tuloy nagawa ang mga
dapat kong gawin dahil
parang nanlalata ang
aking katawan dala na rin
ng pagkapuyat sa halos
magdamag na pag-iisip.
Wala akong nabuong
desisyon kundi kusang
sumipot na lang sa lugar
na sinabi ni Marlon sa akin.
Pagdating ko roon ay
nandoon na siya. Kita niya
agad ako habang
naglalakad papalapit pa
lang sa lugar na sinabi
niya sa akin.
Nang makalapit na ako ay
nagkunwari si Marlon na
kinakausap niya ako
tungkol sa pera ngunit
pabulong na sinabihan niya
akong palipasin ko lang
daw ang ilang minuto at
sundan ko na siya kung
saang direksyon pumunta.
Parang amo ko siya na
sunud-sunuran lang ako
kung ano ang ibig niyang
ipagawa sa akin.
Makalipas ang ilang minuto
ay sinundan ko siya
palabas ng palengke.
Hinihintay lang pala niya
ako sa labasan at saka
lang siya tumawag ng
tricycle at doon kami
sumakay. Saka niya pinara
ang tricycle nang makalayo
na kami sa lugar namin at
pumara naman ng jeep.
Habang lulan kami ng jeep
ay saka ipinaliwanag sa
akin ni Marlon na kaya lang
niya ginawa iyon ay para
makaiwas kami sa
sinumang maaaring
makakita sa amin. Dito ko
siya tinanong kung saan
kami pupunta. Sa mas
ligtas na lugar lang daw
kami pupunta para
makapag-usap.
Sa isang karinderya kami
tumuloy. Umorder pa siya
ng pagkain at habang
kumakain kami ay saka
lang niya binuksan ang
usapan tungkol sa amin.
Ipinaliwanag niya na hindi
raw niya gustong guluhin
ang buhay ng pamilya ko.
Ayaw rin daw sana niyang
gawin iyon na pinuntahan
pa ako sa bahay kung hindi
lang dala ng kalasingan
niya noong unang pumunta
siya sa amin. Ang
pangalawa ay ginawa raw
niya iyon dahil alam na raw
niyang ako lang ang tao sa
bahay.
“Ano ang gusto mo?” ang
sabi ko sa kanya habang
nasa kalagitnaan ng
pagsasalita si Marlon.
Gaya ng dati ay walang
kagatul-gatol na
ipinagtapat sa akin ni
Marlon na ako ang gusto
niya at wala nang ibang
dahilan.
“Eh bakit ako pa, may
asawa na ako,” isinagot ko
sa kanya.
Ngiti lang ang itinugon ni
Marlon sa akin. Nang
makita siguro na parang
nag-uusisa ako sa
pagkakatingin sa kanya ay
saka lang siya sumagot.
“Huwag mong isipin na
sinasamantala ko ang
problema ninyo, kursunada
na talaga kita noon pa.
Sabi ko nga sa iyo ay bata
ka pa at maganda.
Mukhang matanda ka lang
dahil sa problema ninyo,”
ayon sa kanya sabay
ngumiti ulit.
Magsasalita pa sana ako
ngunit pinutol agad ni
Marlon ang aking
sasabihin. Sinabihan niya
ako na mabuti pang kumain
na lang daw kami.
“Saan tayo pupunta
pagkatapos dito?” ang
sabi ko sa kanya.
Wala raw kaming ibang
pupuntahan kundi doon
lang para mag-usap. Ang
buong akala ko na noong
mga sandaling iyon ay
yayayain agad ako ni
Marlon kung saang lugar
para magawa ang gusto
niyang gawin sa akin
ngunit hindi pala.
Naging mabait siya sa akin
noong araw na iyon.
Habang nasa loob kami ng
karinderya ay inasikaso
niya ako bagay na hindi na
nagagawa sa akin ng
asawa ko dahil lagi itong
subsob sa trabaho.
Pansamantalang nawala
sa loob ko ang pag-
aalala. Matapos makakain
ay kinausap na ako ng
masinsinan ni Marlon. Ang
naging usapan namin ay
sa labas na lang kami
magkikita. Kung may
kailangan daw ako ay
sabihin ko na lang sa
kanya kapag magkasama
kami at hindi puwedeng
pupuntahan ko pa siya sa
bahay nila. Mabuti na raw
iyon para makaiwas sa
mga suspetsyosong mga
mata sa lugar namin.
“Binabayaran mo ba ako?”
ang sabi ko sa kanya.
Natawa si Marlon sa sinabi
ko sabay inakbayan ako at
pabulong na sinabing..
“Madali lang makakuha ng
babae kung pera-pera
ang usapan pero ayoko ng
ganoon.”
Hindi na ako kumibo sa
aking narinig. Nang
maghiwalay kami noong
araw na iyon ay alam ko
na sa aking sarili na
nakalubog na ang isang
paa ko sa kumunoy ng
pagkakasala. At unti-unti
akong lumulubog habang
tumatagal na nagkikita
kami ni Marlon.
Ang mga bagay na hindi ko
naisip na gagawin ko pala
balang araw ay nagsimula
ko nang gawin sa kanya.
Tinukso niya ako at
nagpatukso naman ako sa
kanya hanggang sa
tuluyang lumubog ang
aking pagkatao.
Magmula noon ay
ginampanan ko na ang ibig
mangyari ni Marlon. Ngunit
hindi kabit ang turing niya
sa akin. Alagang-alaga
niya ako, Hindi man ako
humihingi sa kanya ay kusa
niya akong binibigyan bago
kami maghiwalay kapag
nagkikita.
itong ikukumpisal ko sa
iyo..
Dati ay kuntento na ako sa
pagbabasa ng kuwento
dito sa site na ito. Ngayon
ay isa na rin pala ako sa
magbabahagi ng mga
personal na nakaraan na
nagyari sa akin. Hindi ko
alam kung kakaiba ito sa
mga nagsusulat dito ng
kanilang mga karanasan.
Sa dami ng mga nababasa
ko dito at marami pa ang
tiyak na magsusulat dito
ay hindi ko na matandaan
lahat ng kuwentong
nabasa ko na.
Hindi na ako mahihiyang
ikuwento ang aking
nakaraan sa inyo…
Para sa akin ay makulay
ang nakaraan ko. Makulay
na ang ibig kong
ipakahulugan ay maraming
pangyayari na hindi ko
lubos maisip kung bakit
biglang dumating ito sa
akin. Ngunit inaamin ko sa
aking sarili na ako talaga
ang nagkamali. Dahil kung
hindi siguro ako nagpadala
sa tukso at buyo ng
damdamin ay baka buo pa
rin ang pamilya ko.
Ako si Susan, 30 taong
gulang, may asawa.
Maganda ang aking
mukha, marami ang
nagsasabi na hawig daw
ako kay Jackie Rice na
isang sikat na artista,
maputi, may kagandahan
ang korte ng katawan at
medyo may kalakihan ang
aking dibdib. Mayroon na
akong tatlong anak dahil
maaga akong nag-
asawa.. at ito ang aking
naging buhay..
Tahimik kaming
nagsasama ng aking
asawa. Apat ang anak ko
na mga binatilyo’t dalagita
na. Ngunit mahirap din
pala kapag
nagkakasabay-sabay na
lumalaki ang inyong mga
anak. Problema namin
kadalasan ang pang
gastos sa araw-araw, eh
hindi naman kalakihan ang
kinikita ng mister ko.
Natuto kaming mag-
asawa na magtiis,
magtipid at isakripisyo ang
personal na kaligayahan
alang-alang sa mga anak
namin. Kapag
magkasarinlan na kami sa
gabi ay doon namin
napapag-usapan na
pasasaan at balang araw
ay giginhawa rin ang
buhay namin kapag
napagtapos ang mga bata
sa pag-aaral.
Ngunit sadya talaga
sigurong dumarating ang
mga pagsubok sa buhay.
Ang masakit, pag
dumating pa ito ay
kumakapit sa mga taong
katulad namin na maliit
lang ang katayuan sa
buhay. Natutong gumamit
ng bawal na gamot ang
pangalawa naming anak
na lalaki. Buong akala
naming mag-asawa ay
maayos na nag-aaral siya
ngunit hindi pala.
Nalaman ko na lang sa
kanilang eskwela na hindi
pumapasok ang anak ko.
Ipina-tawag ako ng
teacher niya para kausapin
tungkol dito. Kinausap
naming mag-asawa ang
pangalawa kong anak
ngunit nagkasakitan pa sila
ng kanyang ama. Mula
noon, hindi na pumasok
ang anak ko at naging
palaboy na lang. Kapag
umuuwi naman ay nag-
aaway silang mag-ama.
Magmula noon laging
buryong ang asawa ko.
Parang na-depress siya
sa ginawa ng anak namin.
Hirap na hirap kaming
maiahon sila tapos ganito
pa ang gagawin niya sa
amin ng kanyang ama. At
imbes na magbago at
humingi ng tawad sa
kanyang ginawa ay pinili
pa na magpakalulong sa
kanyang barkada na
masamang impluwensiya
sa kanya.
Matagal-tagal na rin iyon
nang biglang may
dumating na isa pang
dagok sa buhay namin.
Kasama ang asawa ko sa
naalis sa kanilang trabaho
dahil hindi na raw kayang
magpa-suweldo ng
maraming tauhan.
Ang kaunting natanggap
ng mister ko ay hindi rin
nagtagal at naubos agad.
Nakahanap naman siya
pero hindi permanente.
Simula noon pa-sideline,
sideline na lang kung
mamasukan ang mister ko
kaya naman ang hirap
pagkasyahin ng kanyang
pera.
Dito kami umabot sa
puntong nanghihiram na
ako ng panggastos
minsan. Ang minsan ay
naging madalas.
Nagkagalit pa nga kami ng
isang kapatid ko na hindi
namin mabayaran agad
ang naiipon na palang
pagkakautang namin. Wala
namang maitulong ang
mga magulang ko dahil
matatanda na sila.
Ang hirap ng kalagayan
namin. Nagsasakripisyo’t
nagtitiis na nga kaming
mag-asawa para sa
aming mga anak ngunit
hindi pa rin ito sapat.
Kailangan talaga ang pera
upang makaraos kami.
Gusto ko sanang umuwi na
lang kami sa probinsya ng
mga magulang ko ngunit
ayaw ng asawa ko. Pipilitin
daw niyang kayanin na
balikatin ang kanyang
pasanin. Ngunit alam kong
sa salita lang niya
magagawa iyon.
Sa lugar na lang namin ay
kinakapalan ko na lang ang
aking mukha sa
panghihiram kapag kapos
na kapos talaga kami. Lalo
na kapag kailangan ng
mga bata ang pera.
Dagdag na pabigat pa
ang nagloko naming anak
dahil minsan ay nahuli ito
at naawa naman ako na
makulong siya kaya
ginawan ko ng paraan na
mailabas siya dahil menor
de edad pa.
Galit na galit sa akin ang
asawa ko. Inaway niya ako
dahil bakit ko pa raw
kinunsinti iyon samantalang
hindi na nga raw siya
nirerespeto nito. Idinadaan
ko na lang ang lahat sa
iyak kapag mag-isa na
lang ako sa bahay.
Mabigat sa kalooban ko
ang ginawa ng anak kong
lalaki ngunit hindi ko rin
matiis na malamang
nakakulong siya. Ngunit
hayun ang tarantadong
anak ko, paglabas ay
parang walang anuman
ang nangyari at bumalik pa
rin sa dating gawi.
Hindi iyon ang unang
pagkakahuli sa kanya.
Nang sumunod ay nalaman
na iyon ng asawa ko at
pinagsabihan agad niya
ako na huwag nang
pakikialaman an gaming
anak para magkaroon daw
ito ng leksyon.
Ilang araw rin na hindi ako
mapagkatulog sa pag-
aalala. Hindi siguro ako
masisisi na mag-alala
dahil sino ba namang ina
ang hindi malulusaw ang
puso kapag may
nangyaring masama sa
kanyang anak. Ngunit lahat
ng ito ay kinimkim ko lang
sa aking sarili.
Gusto ko sanang tikisin ang
aking anak para maturuan
ito ng leksyon. Ngunit
bumigay rin ang pusong
ina sa akin. Nag-isip ako
kung paano makakagawa
ng paraan para mailabas
siya. Kailangan ko na
naman ng pera at iyon ang
problema kung saan ako
maghahagilap ng
pampiyansa sa kanya.
Nahihiya na akong lumapit
sa mga dati kong
nilalapitan. Lalo pa siguro
kung lalapit ulit ako sa
kanila at malalaman na
gagamitin ko lang para sa
anak kong nakulong. Ngunit
kailangan kong kumilos
hanggang sa may
nakapagsabi sa akin na
subukan ko raw kausapin
ang kapitbahay naming si
Marlon.
Si Marlon ay hindi naman
mayaman ang pamilya.
Ngunit medyo nakaka-
angat ang buhay nila roon
sa kalye namin. Kailanman
ay hindi ko pa nasubukang
lumapit sa kanya. Kaya ito
ang unang pagkakataon na
susubukan ko pa lang
hingan siya ng tulong.
May asawa’t mga anak na
rin si Marlon. Tahimik ang
kanilang buhay ngunit kilala
siya sa lugar namin na
mahusay makisama.
Katunayan ay madalas na
may nag-iinuman sa
bahay nila. Ang mga
kainuman niya ay ang
kanyang mga barkada roon
sa lugar namin.
Dala ng mahigpit na
pangangailangan ay
lakas-loob akong pumunta
sa kanila. Ang kanyang
asawa ang una kong
nakausap ngunit mabuti pa
raw kung si Marlon ang
diretsong kakausapin ko
dahil hindi siya ang
humahawak ng pera nila.
Tinawag niya si Marlon at
paglabas ay iniwan kami
ng kanyang asawa sa
kanilang sala. Bago pa ako
nakapagsalita ay inunahan
na ako ni Marlon. Kung ang
sadya ko raw ay humiram
para sa anak kong
nakulong ay walang
problema.
Lumukso ang puso ko sa
labis na katuwaan. Hindi
na ako nahirapang
kausapin pa sila at parang
siya na mismo ang nag-
alok ng tulong sa akin.
Laking pasasalamat ko sa
kanila at nangakong
babayaran agad iyon
kapag nagkaroon na ako
ng pera kahit ang totoo ay
hindi ko pa naiisip kung
saan ko naman hahagilapin
ang ipambabayad sa
kanila.
Ngunit bago ako umalis ay
mahigpit ko siyang
pinakiusapan na huwag na
huwag makakarating sa
kaalaman ng aking asawa
na humiram ako sa kanila
ng pera. Nangako naman si
Marlon at sinabi pa nga sa
akin na naiintindihan daw
niya na nag-aaway ang
mag-ama ko.
Lumabas ang anak ko
ngunit hindi siya umuwi sa
amin. Pumupunta lang siya
kapag alam niya na wala
ang kanyang ama. Ako
naman ay problemado na
sa dami ng kompromiso.
Lalo na nang pinuntahan
ako ng anak ni Marlon at
ipinatatanong daw ng
kanyang ina ang hiniram
ko. Wala akong maisagot
at sinabihan ko na lang
ang bata na pupunta ako
sa kanila.
Tuliro ako at hiyang-hiya
habang kausap ko ang
kanyang asawa na medyo
may kasungitan noong
araw na kausapin ko ito.
Mabuti na lang lumabas si
Marlon at siya na raw ang
bahalang makipag-usap
sa akin tutal ay sa kanya
ako personal na humiram.
Inamin ko ang totoo kay
Marlon na wala pa akong
maibabalik kahit magkano
sa aking hiniram.
Naunawaan naman niya
ako at pumayag na kapag
nakaluwag na ako ay saka
ko na lang ibibigay sa
kanya ang hiniram ko.
Hiyang-hiya ako ngunit
kailangan kong kapalan
ang aking mukha.
Wala akong kaalam-alam
na ang kabaitang
ipinapakita sa akin ni
Marlon ang unti-unti
palang magtutulak sa akin
sa kumunoy ng
pagkakasala. Umpisa noon
kapag napapadaan ako sa
kanila at natitiyempong
nasa labas si Marlon ay
tinatawag niya ako. Hindi
para maningil kundi
kinukumusta lang ang aking
anak. Wala naman akong
ibang masabi kundi ang
totoo na hindi pa rin
nagbabago ang anak ko.
Kahit may mga kaharap
siyang barkada at nag-
iinuman sila, kapag
dumadaan ako sa kanila at
nakita niya ako ay
tinatawag ako ni Marlon.
Tumatayo pa iyan sa
kanyang kinauupuan para
lumapit sa akin at
makipag-usap sandali.
Nahihiya akong lumapit
kapag nandoon ang
kanyang mga kaibigan
dahil kung makatingin ang
mga ay parang mga
nakakaloko at
nagbubulungan pa ang iba.
Ngunit nahihiya naman
akong hindi lumapit dahil
sa kompromiso ko kay
Marlon.
Ganoon ng ganoon lagi.
Ako na nga ang umiiwas na
dumaan sa kanila.
Hangga’t maaari ay
ayokong matatawag pa
niya kapag kaharap ang
kanyang mga barkada.
Subalit magkapitbahay
kami kaya hindi maiiwasan
na mapadaan ako ng
madalas sa kanila.
Gabi noon at walang ibang
tao sa bahay kundi ako
lang. Biglang dumating si
Marlon na sa itsura pa
lang ay halatang
nakainom. Hindi ko
malaman ang aking
gagawin sa pag-aakalang
maniningil na siya. Pero
pinakiharapan ko siya ng
maayos at pinapasok ko
pa sa loob ng bahay.
Ihinatid daw niya sa
labasan ang kanyang mga
kaibigan. Wala raw siyang
ibang sadya kundi ako.
Nang magpapaliwanag na
sana ako tungkol sa
hiniram ko sa kanila ay
bigla niya akong nilapitan
at hinawakan sa kamay.
Kumabog ang dibdib ko sa
ginawa ni Marlon. Pisil pa
lang niya sa kamay ko ay
ramdam ko nang may halo
itong malisya.
May itsura ka at bata pa.
Mukhang matanda ka lang
dahil siguro sa problema
ninyong mag-asawa,”
ayon kay Marlon. Tinanong
ko siya kung ano ang ibig
sabihin ng kanyang
ginagawa sa akin. Ngumiti
si Marlon sabay sabi sa
akin na kung nakaka-
intindi raw ako, dapat ay
alam ko kung ano ang ibig
n’yang sabihin sa akin.
Inalis ko ang aking kamay
sa kanyang
pagkakahawak. Sabay
pinakiusapan ko siya na
kung maaari ay umalis na
siya at baka abutan pa
kami ng aking asawa.
Tiyak ‘kako na
magtatanong iyon kung
bakit nandoon si Marlon sa
bahay at baka malaman
na humiram ako sa kanila
para mailabas lang ang
anak ko sa kulungan.
Imbes na pakinggan ang
pakiusap ko ay lumapit
muli si Marlon sa akin at
hinawakan ulit ako sa
kamay. Umiwas ako ngunit
kasabay ng pag-iwas ko
ay niyakap niya ako.
Nagpanting ang tenga ko
sa galit at pilit ko siyang
itinutulak. Ngunit wala
akong magawa dahil mas
malakas siya sa akin.
Hindi ko rin magawang
sumigaw dahil ewan ko ba
kung bakit ang unang
pumasok sa utak ko ay
baka marinig kami sa
bahay nila na katabi lang
sa amin. Nagpumiglas ako
ngunit hindi bumitiw si
Marlon. Hanggang sa
nahalikan niya ako sa labi.
Kung hindi ko pa siya
kinagat sa labi ay hindi pa
siya lalayo sa akin.
Lasing ka lang, umuwi ka
na bago pa dumating ang
asawa ko,” sabi ko kay
Marlon. Akmang lalapit ulit
siya sa akin ngunit lumayo
na ako. Nagsalita siya at
sinabi sa akin na pag-
isipan ko raw ang sinabi
niya sa akin sabay
humakbang na siyang
palabas.
Ngunit bago tuluyang
lumabas ng bahay namin
ay nagbitiw pa siya ng
salita. “Masarap ka pa rin
halikan. Pag may problema
ka ay huwag kang
mahihiyang lumapit ulit sa
akin,” ayon kay Marlon na
nakangiti. Sa kanyang
sinabi ay pinunasan ko ang
aking labi para mawala
ang bakas ng kanyang
halik.
Hindi ko kinuwento ang
nangyari sa amin ni Marlon
pagdating ng asawa ko.
Ayaw kong madagdagan
pa ang kanyang problema.
Ngunit hindi ako makatulog
kahit nakahiga na katabi
ang aking asawa.
Naglalaro sa isip ko ang
ginawa sa akin ni Marlon
kanina at paulit-ulit na
bumabalik sa aking alaala
ang kanyang mga sinabi.
itutuloy ….
Part 2
Simula noon ay iniwasan ko
na talaga hangga’t maaari
ang magkita kami ni
Marlon. Nag-iisip na rin
ako ng paraan kung paano
maibabalik ang hiniram
kong pera sa kanila. Alam
kong hangga’t may
kompromiso ako sa kanila
ay naroroon ang
pagkakataon para kay
Marlon na makalapit sa
akin.
Ngunit nasundan muli ang
ginawa niya sa akin.
Itinaon niyang mag-isa ulit
ako sa bahay at araw pa
man din kung kailan wala
sa bahay ang aking asawa
dahil pumasok ito sa
trabaho at nag-aaral
naman ang mga anak
namin.
Mas malakas ang loob ni
Marlon ng araw na iyon.
‘Hindi ko nga sukat-
akalain na darating siya at
wala akong kaalam-alam
na nakapasok na pala siya
sa loob ng aming
pamamahay na hindi ko
man lang nalalaman.
Nasa kusina ako noon nang
bigla siyang pumasok na
lang. Ang akala ko ay ang
asawa ko lang iyon na
hinawakan ako sa bewang.
Hindi ko kasi nakita ang
pagpasok niya dahil
nakatalikod ako at
naghuhugas ng kaldero sa
lababo. Hindi ko rin narinig
kahit kaluskos man lamang
niya dahil siguro ingat na
ingat din siya sa pagpasok
para hindi ko marinig.
Sa gulat ko ay hinarap ko
kung sino ang humawak sa
aking bewang na sinundan
pa ng pagtapik sa aking
balikat. Si Marlon na
naman! Inamoy ko kung
lasing siya ngunit hindi
naman at wala rin sa
itsura niya ang nakainom
siya ng alak gaya noong
unang pumasok siya sa
bahay namin na mag-isa
lang ako.
“Bakit bumalik ka pa?” ang
sabi ko. Hindi niya ako
sinagot, sa halip ay
niyakap at sinibasib niya
ako ng halik sa labi.
Lumaban ako ngunit
nangibabaw ang kanyang
lakas, Nang pagbantaan ko
siyang sisigaw ako para
marinig sa bahay nila ay
lalo pa niya akong niyakap
at hinalikan sa labi.
Pilit akong nagpupumiglas
mula sa kanyang yakap
ngunit pinag-ibayo pa ni
Marlon ang pagkakayakap
sa akin at para siguro hindi
ako makasigaw ay mariing
hinalikan niya ang aking
labi. Saka lang niya ako
binitawan nang hindi na
ako gumagalaw at
hinayaan siya sa kanyang
kalapastanganan. Ngunit
ramdam ko ang kanyang
mga halik sa aking labi.
“Umalis ka na bago pa
makarating sa asawa ko
ito,” ang sabi ko sa kanya.
Ngunit hindi natinag sa
kanyang kinatatayuan si
Marlon. “Kursunada kita at
kung payag ka ay wala
namang makakaalam nito
dahil itatago natin ito at
matutulungan pa kita,”
ayon sa kanya. Sinabi pa
niya na magkita kami
kinabukasan upang pag-
usapan namin ang utang
ko.
Hindi ako nakakibo sa
kanyang sinabi. Pero
aaminin ko sa inyo na
natukso ang isip ko sa
iniaalok ni Marlon. Alam
kong malaki ang kanyang
maitutulong sa akin kung
sakaling papayag ako
ngunit namamayani pa rin
sa dibdib ko ang takot
sakaling sumawsaw ako
sa pagkakasala.
Nakatulugan ko pa ang
pag-iisip. Kaya lang ako
nagising ay dahil parang
naalimpungatan ako at
iyon pa rin ang laman ng
isip ko, ang nangyari sa
amin kahapon at ang
nakatakdang pagkikita
namin ni Marlon ng araw
na iyon.
Hindi ako makakilos ng
maayos kahit mag-isa na
lang ako sa bahay. Hindi ko
tuloy nagawa ang mga
dapat kong gawin dahil
parang nanlalata ang
aking katawan dala na rin
ng pagkapuyat sa halos
magdamag na pag-iisip.
Wala akong nabuong
desisyon kundi kusang
sumipot na lang sa lugar
na sinabi ni Marlon sa akin.
Pagdating ko roon ay
nandoon na siya. Kita niya
agad ako habang
naglalakad papalapit pa
lang sa lugar na sinabi
niya sa akin.
Nang makalapit na ako ay
nagkunwari si Marlon na
kinakausap niya ako
tungkol sa pera ngunit
pabulong na sinabihan niya
akong palipasin ko lang
daw ang ilang minuto at
sundan ko na siya kung
saang direksyon pumunta.
Parang amo ko siya na
sunud-sunuran lang ako
kung ano ang ibig niyang
ipagawa sa akin.
Makalipas ang ilang minuto
ay sinundan ko siya
palabas ng palengke.
Hinihintay lang pala niya
ako sa labasan at saka
lang siya tumawag ng
tricycle at doon kami
sumakay. Saka niya pinara
ang tricycle nang makalayo
na kami sa lugar namin at
pumara naman ng jeep.
Habang lulan kami ng jeep
ay saka ipinaliwanag sa
akin ni Marlon na kaya lang
niya ginawa iyon ay para
makaiwas kami sa
sinumang maaaring
makakita sa amin. Dito ko
siya tinanong kung saan
kami pupunta. Sa mas
ligtas na lugar lang daw
kami pupunta para
makapag-usap.
Sa isang karinderya kami
tumuloy. Umorder pa siya
ng pagkain at habang
kumakain kami ay saka
lang niya binuksan ang
usapan tungkol sa amin.
Ipinaliwanag niya na hindi
raw niya gustong guluhin
ang buhay ng pamilya ko.
Ayaw rin daw sana niyang
gawin iyon na pinuntahan
pa ako sa bahay kung hindi
lang dala ng kalasingan
niya noong unang pumunta
siya sa amin. Ang
pangalawa ay ginawa raw
niya iyon dahil alam na raw
niyang ako lang ang tao sa
bahay.
“Ano ang gusto mo?” ang
sabi ko sa kanya habang
nasa kalagitnaan ng
pagsasalita si Marlon.
Gaya ng dati ay walang
kagatul-gatol na
ipinagtapat sa akin ni
Marlon na ako ang gusto
niya at wala nang ibang
dahilan.
“Eh bakit ako pa, may
asawa na ako,” isinagot ko
sa kanya.
Ngiti lang ang itinugon ni
Marlon sa akin. Nang
makita siguro na parang
nag-uusisa ako sa
pagkakatingin sa kanya ay
saka lang siya sumagot.
“Huwag mong isipin na
sinasamantala ko ang
problema ninyo, kursunada
na talaga kita noon pa.
Sabi ko nga sa iyo ay bata
ka pa at maganda.
Mukhang matanda ka lang
dahil sa problema ninyo,”
ayon sa kanya sabay
ngumiti ulit.
Magsasalita pa sana ako
ngunit pinutol agad ni
Marlon ang aking
sasabihin. Sinabihan niya
ako na mabuti pang kumain
na lang daw kami.
“Saan tayo pupunta
pagkatapos dito?” ang
sabi ko sa kanya.
Wala raw kaming ibang
pupuntahan kundi doon
lang para mag-usap. Ang
buong akala ko na noong
mga sandaling iyon ay
yayayain agad ako ni
Marlon kung saang lugar
para magawa ang gusto
niyang gawin sa akin
ngunit hindi pala.
Naging mabait siya sa akin
noong araw na iyon.
Habang nasa loob kami ng
karinderya ay inasikaso
niya ako bagay na hindi na
nagagawa sa akin ng
asawa ko dahil lagi itong
subsob sa trabaho.
Pansamantalang nawala
sa loob ko ang pag-
aalala. Matapos makakain
ay kinausap na ako ng
masinsinan ni Marlon. Ang
naging usapan namin ay
sa labas na lang kami
magkikita. Kung may
kailangan daw ako ay
sabihin ko na lang sa
kanya kapag magkasama
kami at hindi puwedeng
pupuntahan ko pa siya sa
bahay nila. Mabuti na raw
iyon para makaiwas sa
mga suspetsyosong mga
mata sa lugar namin.
“Binabayaran mo ba ako?”
ang sabi ko sa kanya.
Natawa si Marlon sa sinabi
ko sabay inakbayan ako at
pabulong na sinabing..
“Madali lang makakuha ng
babae kung pera-pera
ang usapan pero ayoko ng
ganoon.”
Hindi na ako kumibo sa
aking narinig. Nang
maghiwalay kami noong
araw na iyon ay alam ko
na sa aking sarili na
nakalubog na ang isang
paa ko sa kumunoy ng
pagkakasala. At unti-unti
akong lumulubog habang
tumatagal na nagkikita
kami ni Marlon.
Ang mga bagay na hindi ko
naisip na gagawin ko pala
balang araw ay nagsimula
ko nang gawin sa kanya.
Tinukso niya ako at
nagpatukso naman ako sa
kanya hanggang sa
tuluyang lumubog ang
aking pagkatao.
Magmula noon ay
ginampanan ko na ang ibig
mangyari ni Marlon. Ngunit
hindi kabit ang turing niya
sa akin. Alagang-alaga
niya ako, Hindi man ako
humihingi sa kanya ay kusa
niya akong binibigyan bago
kami maghiwalay kapag
nagkikita.