What's new

bakit ayaw makipagtalik ni mister (1 Viewer)

nozomi2015

Leecher
Kapag naging kabit niya ang trabaho niya
Kadalasan, ang libido ng lalaki ay nakalaan para sa kaniyang partner o asawa. Ngunit kung ang trabaho niya ang nagiging sentro ng kaniyang buhay, doon napupunta ang kaniyang sexual energy.

Bago ka mag-isip ng kung ano pa man, hindi nito ibig sabihin na may kalaguyo na siya sa opisina. May iba-ibang paraan para makamit ang "high" na dati ay nakukuha niya lang sa sex. Maaaring makuha niya ito sa promotion, increase, o kahit simpleng pagpapatunay na magaling siya sa ginagawa niya—ego boost kumbaga. Minsan ang mga bagay na ito ang nakakapagbigay ng pakiramdam na nasa rurok na siya at pinapalitan nito ang kagustuhan makipag-sex.

Ano ang puwede mong gawin?

Iparamdam mo sa mister mo na interesado ka sa kaniyang trabaho at sa ginagawa niya sa pang-araw-araw. Magsimula sa maliliit na bagay, katulad ng pangangamusta sa mga proyekto na hinahawakan niya.

Maglaan din ng oras na para sa inyo lang na mag-asawa. Walang distractions katulad ng cellphone o TV. Puwede rin na mag-date kayo. Kailangan magkaroon kayo ng pagkakataon na mag-reconnect.

Kung masyado ng pagod para mag-sex matapos ang trabaho sa gabi, subukan ninyong ibahin ang nakasanayan ng "schedule" ng pagtatalik. Maaaring gawin ito sa umaga bago pumasok sa trabaho o di kaya sa weekend pag wala masyadong aalahanin.
 
Waw! Parang article ni Dra. Margie Holmes. Ganyan sana mga post. Kahit konting effort lang na mag-copy paste ng article sa Tiktik. Wag lang sana yung "pA eStAb pO"
 

Similar threads

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. Dra.
  2. Margie

About this Thread

  • 7
    Replies
  • 386
    Views
  • 8
    Participant count
Last reply from:
commanderShepard

Trending Content

Online statistics

Members online
1,467
Guests online
800
Total visitors
2,267

Forum statistics

Threads
124,229
Posts
3,986,651
Members
681,474
Latest member
AMANZA55
Back
Top