Oo nga bhie, talamak ang spycam doon, atmay instances na nilalabas talaga nila iyon para mag-ingay. Gaya nga ng sinabi ko bhie, bad publicity is still publicity, and that's how low maybe they think para magkaroon ng ingay ulit sila for retainment ng pangalan nila. Hirap silang makapasok ulit sa limelight sa korea dahil hindi sila mula sa big 4 at lalong lalo na ang market nila sa Pilipinas ay hirap dahil sa pandemic. Ang mga Pilipino lang naman kasi ang nagpasikat sa kanila dahil sa iconic music nila, same goes sa pagpapakita ng culture ng Pinas na sadyang click na click sa atin kaya ang dami nilang advertisement dito. Dahil sa pagkasara ng ABS-CBN di na natin alam kung matutuloy ang palabas nila ni James Reid dito kaya hirap na hirap sila. Kailangan din nilang bumawi dahil may bagong boy group sila na needs promotion, at ang tanging paraan lang ay makapag-ingay ulit sila para makilala yung new group at mabawi yung investment nila. Kanya-kanyang strategy yan at di natin alam kung ano ba talagang balak nila, kung simadya ba talaga nila ilabas o hindi.