Sa male at female, hindi nyo na kelangan gumawa pa ng kung anong paliwanag kasi basic biology na yan, common knowledge, maintindihan ng lahat ---- Kasi hindi sya social construct... Ang tunay na social construct ay ang 72 genders na inimbento ng kung sinong mga loko loko
Sex is biologically assigned and gender is considered as a social construct nga. O sa'yo na nanggaling yung last part. Yun nga kanina pa ine-explain sa'yo na difference. Ayos ka lang ba talaga? HAHAHAHAHAH
Last reply ko na 'to kasi walang kahit katiting man lang na sense arguments mo pero gusto kong magtira ng katiting na respeto sa'yo bilang tao. May respeto rin ako sa PHC admins, mods, at rules kaya hangga't maaari ayokong pumatol nang malala dito.
Walang pinatutunguhan mga pinaglalaban mo. Yung term na "abnormality" ay medical term sa konteksto ng pinag-uusapan natin ngayon, diba? I asked you if you could explain kung anong lagay ng inters.ex kung ang pinaglalaban mo ay dalawa lang ang sexes at genders nang walang kahit anong gamit na source. Obviously, hindi mo kaya. Ang sagot mo lang ay "abnormality". You weren't able to answer the question in a clear manner. Sabi mo kanina dalawa lang? If you believe/think that is an abnormality, then where does it fall on? Anong pinaglalaban mo ngayon na dalawa lang? So paano kapag gano'n ang case? I-coconsider mo siya as what bukod sa pagkakaalam mong "abnormality" o "anomaly"?
Lahat ng pinagsasabi mo ay influenced din ng sarili mong sources (credible or not). Gano'n din kami. Kaya 'wag kang masyadong confident sa pagsabi na "dapat marunong tayo magfigure out on our own" kasi maging honest na tayo. Kaya ka nakapag-come up sa mga gan'yang opinyon dahil influenced ka ng kung ano mang nabasa, narinig, o napanood mo.
Kung sa sarili mo hindi mo nga kayang ma-apply, mas lalong 'wag mong i-insist sa iba.
Isa pa, sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo na ginamit mo ang term na "anomaly" dahil naisip mo lang out of the blue at hindi mo Ginoogle ang case ng inters.ex? Nah. Ang hamon ko sa'yo mag-explain ka without using any sources kagaya ng gusto mong gawin namin kanina pa, right? Ako nagawa ko.
Simula no'ng hinamon mo ako hindi ko na ginamit kahit anong source pansamantala para sagutin ka tutal opinyon laban sa opinyon ang trip mo, diba? Pero by using the term "anomaly" nahalata ka na agad na nag-Google ka or gumamit ng ibang source. Huli ka. Hindi mo mapanindigan gusto mong ipagawa sa amin, diba? Funny.
I mentioned inters.ex para ma-emphasize lalo ang point na hindi nga lang dalawa ang meron although yung dalawa ang common dahil rare case yung isa, but you obviously didn't catch that kasi
you are hell bent on proving a pointless argument. Paikot-ikot mga sinasabi mo kasi hindi mo kayang masagot o ma-back up ang statements/arguments mo ng kahit ano bukod sa sarili mong opinyon.
As for the 50+ genders na kanina mo pa pinag-iinitan, ilan ba ang tao sa mundo? Considering that people identify themselves differently most probably because of different situations and influences, e, sobrang possible din na dumami ang gender identities/prefs na 'yan. Tsaka
ang hinihingi lang naman sa'yo/sa atin ng community nila ay respeto at sensitivity. Bakit hirap na hirap ka?
Kung ang rason mo naman ay Biblical kang tao kaya gigil na gigil ka masyado, e'di manatili kang straight kung tingin mo kasalanan nga talaga.
Your sins are yours to bear kagaya ng their sins are theirs to bear. Kailanma'y hindi mo ikakalinis ang pamumuna ng muta ng iba. Siguraduhin mong never ka pang nagnakaw, nagsinungaling at nandaya in all aspects bago mo galingan sa pagpuna sa iba. At isa pa, kung gagamitin mo na reference ang Bibliya, next time 'wag mong banggitin ang adlt zone as reference. Kino-contradict mo na sarili mo.
Another thing.
Sino bang nagsabi sa'yo na kabisaduhin mo lahat ng nasa listahan kung ayaw mo? May pumilit ba sa'yo? Haha. 'Wag mo kaming paandaran na kesyo kami nga mismo hind namin kabisado. Natural lang naman na hindi kami familiar sa ibang mga nabanggit sa listahang 'yan dahil hindi pa naman nami-meet/encounter lahat ng klase ng tao sa mundo para ma-familiarize sarili namin nang mas maigi PERO hindi kami kagaya mo.
Hindi ibig sabihin na hindi kami familiar ay hindi kami willing ma-educate.
Ikaw at mga gaya mo ang nag-cocomplicate sa ganitong matter eh.
Kung straight ka, e'di manatili kang straight. Just respect those who do not want to identify themselves as such. It's as simple as that. Ang kailangan mo lang namang maintindihan ay hindi lahat gaya mo na straight kaya
dapat matuto tayong rumespeto at maging sensitibo pagdating sa mga usapin patungkol sa sex at gender. If
you find it questionable, provide valid reasons to argue about it bukod sa opinion mo kasi malay ba namin kung sino ka at kung anong klaseng credibility meron ka, e, ikaw na nga nagsabi diba na "sa panahon ngayon wala ng credible/valid sources"? E ano at paano ka pa kaya sa mga mata namin?
And, utang na loob, i-familiarize mo naman ang sarili mo sa difference ng sex at gender.
Kung kaya mo manood ng kung ano-anong conspiracy theories sa YT, kaya mo rin for sure manood ng videos na mag-eeducate sa'yo between the difference of the two at kung bakit tinuturing na social construct ang gender kasi halatang litong-lito ka. Tsaka maganda rin minsan aralin meaning ng sensitivity at respect.
Lastly, thank you po sa admins at mods na hindi pa ako pinupuluhan sa ngayon. Pasensya na po talaga.
Last na pag-engage ko na 'to sa thread ni TS.