Yung transgender man ay dapat sumali sa male sports event. Mali category. Gender equality nga e noh. Agree ako sa gender equality. Na mali siya ng category since transgender man na babae at naging lalake, ilagay siya sa sports ng mga lalake dahil lalake na siya. Tama? Hindi siya ilagay sa category ng mga babae pero pwede din dahil galing babae naman din siya e and so kung palagi siya nalalalo, who cares? Transgender man siya, at least diba? Taga angat siya ng self-confidence ng buong kababaihan so walang kaso doon.
Hindi ko iniisip na lugi. Depende sa conscience ng tao. Sa akin, hindi lugi. Naniniwala ako sa gender equality at saka ang karamihan tao na against sa mga ganyan ay ini-embrace pa rin nila sa puso at damdamin nila ang itinatawag na Heteronormativity o ini-embrace pa rin nila ang mentality na social norms pa rin ang heterosexual.
Kapag pagano, according to experts, panahon ng influential Goddess ay gender fluid ang mga iyan na they do not care kung meron ganyan scenario if ever lang naman dahil lahat ng tao ay free.
Tayo kase, iba ang norms natin kaya masyado tayo negative pagdating sa mga ganyan.
Christian society nga naman. Maging Pagano na lang kaya sila.
Ako talaga, tanungin niyo ako, less favorable lang sa akin ang traditional gender role kung kaya kapag meron tao na against sa mga ganyan? Hindi maiiwasan na andoon pa rin ang kasanayan niya na favorable siya na ang lalake at babae ay magkaiba daw. Tipong - iyon nga na tipong mala-traditional gender role pa rin sila.
Nasa conscience lang naman ng mga tao iyan. Just think positive. Ano ba ang ikinakatakot ng tao patungkol diyan? At saka ang feminists ay iba-iba ang mga iyan. Iba-iba rin ang rights na ipinaglalaban ng feminists. Hindi lahat ng feminists ay same mag-isip. Meron ibang feminists na kung ano ang angkop para lang sa kanila. Ganun.
Feeling ko naglabasan ang mga anti-feminist dito sa phcorner.
Ito lang kase ang observation ko. Kapag iniisip ng tao na eseperate ang ganitong group ng mga transgender, group ng mga babae at group ng mga lalake, you know, andoon pa rin sa mentality nila na ang lalake at babae ay magkaiba based on gender role. Ganun din. Useless ang hihingi-hingi ng gender equality dahil sa mundo ng patriarchal culture, wala talaga equality diyan. Nagpapakahirap ang tao na bubuo-buo ng group para magkaroon ng validation o maging acceptable sila sa other social group - geez - hindi makakayanan. Meron pa talaga mag-aagainst as in.
Sus me. Wala talaga pag-asa ang mundo natin. Wala.
Ang pananaw ko ito. Gender equality at gender equity ay both beneficial. Anyway, sakit sa ulo, ayaw ko ng ganito topic as in pero nakaka-high blood minsan dahil meron mga tao na iba mag-isip, iba ang ideology pero ika nga - patience and learn to respect other beliefs or other ideology ng mga tao ika nga.
Hindi na ako magkakaboyfriend at makakapag-asawa nito sa mga ipinagsusulat ko whew. Sure iyan and its okay.