Hello Jan, diba nag post ka din ng ganitong picture na solo ka? And sinabi mo din sa kanilang lahat na “Gumala ka ng Bangkok mag isa.” But here’s the truth.
Jan for sure di mo makakalimutan ang Picture na to ang araw na to. June 3 2022 to June 9 2022. 6 days tayong magkasama sa Thailand 6 days mo akung tinago sa ate at kuya mo. Nag sakit sakitan kapa diyan para maka pag sick leave lang sa work mo dba. Tandang tanda ko pa paano ka mag sinungaling sa ate, kuya at boyfriend mo maitago mo lang ako sa kanila. Ganyan ka kahusay mag tago.
Question. ilang taon na nga kau ng ex boyfriend mo dito that time?
6 years turning to 7 years dba. Tapos ako 5 months single. Ito yung mga panahong dikit na dikit ka sakin kasi ayaw mo akung mag ka girlfriend ng iba kasi gusto mo sayo lang ako kahit alam mong may boyfriend ka.
Alam mo nung una, Naawa lang naman talaga ako sayo kasi i know you need me. Until i slowly fell in love with you cause alam ko yung struggle mo and i wanted to help you and to take care of you. Alam mo yan nung una kung pano kita pinag lalaban at pinag tatanggol sa mga bashers mo.
Naniwala ako sayo, I supported you all the way lahat ng gusto mo nasusunod. May naalala kaba na hindi kita sinuportahan sa gusto mo?
Kahit isang beses? Kung meron sabihin mo sakin. Kasi lahat ng gusto mo lahat ng nagpapasaya sayo sinuportahan kita alam mo yan.
Tapos ngayon sinasabi mo na siniraan kita sa mga videos ko? Jan sad post ko lang yon. Yan yung naging way ko para at least mabawas bawasan yung lungkot ko dito. Pero para sayo sinisiraan na kita. Nag mention ba ako ng pangalan mo doon?
Pero ikaw siniraan mo ako. Siniraan mo yung taong tumulong sayo nung mga panahong walang wala ka. Alam ko naman ano nag tulak sayo para gawin yan. Kasi hindi mo na maitatago about sa inyo ng AFAM mo diba? Sigi lang pag takpan mo lang yung sarili mo sa mga kwento mo kasi diyan ka naman magaling ang mag malinis.
Thank you, kasi sa mga panahong ang tahimik ng buhay ko ginulo mo. Wag kang mag sinungaling kasi alam kung mas importante pa sayo ang tingin ng ibang tao kesa kung ano talaga yung totoo.
Tapos ngayon sasabihin mong immature ako? Kung binabalewala mo lang yung nararamdaman ng partner mo. Bakit sino ba namang BF ang matutuwa kung yung GF niya dikit ng dikit sa iba?
Remember your guy vlogger friend sa Thailand? Nakipag collab ka kahit alam mong di okay sa akin yon. Not once but many times Jan. Umaalis kang tanghali tapos gabing gabi kana umuuwi tapos nagagalit kapa pag tinatawagan kita kasi ayaw mo ma isturbo sa pag cocontent niyo.
May time pa na magpapaalam ka sakin bigla at magugulat nalang ako na magkasama na pala kayo kasi may pinuntahan ka at nag pasama kalang sa kanya. You keep doing this to me hindi mo ako binibigyan ng peace of mind. Pero ano ginawa ko kundi pilit parin kitang iniintindi kahit binabalewala mo na yung nararamdaman ko.
Again sinong lalaki ang matutuwa sa ginagawa mo? Na kahit alam mong hindi comfortable yung Bf mo sa lalaking yon ginagawa at ginagawa mo pa din. Pinag tatanggol mo pa siya pinoprotektahan mo pa sakin.
At nung nag hiwalay sila ng GF niya concern ka masyado sa kanya. Sinabi mo pa sakin na depressed daw kasi masyado at takot ka baka mag suicide siya. Like ganon nalang ikaw ka concern sa kanya? Mas iniisip mo pa yung nararamdaman ng friend mo kesa sa nararamdaman ng partner mo or baka talaga na guilty ka dahil alam mong ikaw ang dahilan bakit nag hiwalay sila sa long time GF niya?
And before sa proposal Jan you know that it was your mother and family who pushed me para mag propose sayo alam mo yan. Para daw mawala na mga bashers mo mga gapanira sayo diba? Mag propose na daw ako agad agad. Mag pakasal na daw tayo agad agad kahit mag civil wedding nalang daw muna para matahimik na ang mga bashers mo.
Kaya sabi ko sa mama mo sigi po sa susunod na uwi ko mag propose na po ako sa kanya. Until bumaba ako ng barko and ito na.
“move forward sa araw na sinabi mong umiyak ako at nag makaawa sayo to say yes.”
Yes tama ka we had a huge fight on that day Jan pero sinabi mo ba anung dahilan bakit nag away tayo niyan? Nag away tayo dahil sa friend mong vlogger tama? Dahil sa araw na yon nahuli kita. Nakita ko sa cp mo sa call history mo na palagi pala kayong nag vivideo call. Umaga, hapon, gabi, at madaling araw pa. Kinausap kita cause i need your explanation at ang sabi mo dahil nga depressed tinutulungan mo lang. Like concern yan? gagawin mo pa akung *****.
Hanggang sa nagalit ka sakin kasi ang dami ko ng tanung sayo. At bakit sa Line app. Pa kayo nag vivideo call. Kasi alam mong na bubuksan ko ang messenger mo dba?
Tapos ngayon sasabihin mong immature ako? Sigi nga hanap ka ng lalaking pinaka mature na kayang intindihin yan. Alam mo naman diba kung ano lang gusto ko? Honesty lang Jan honesty lang.
Ngayon grabe nga away natin on that day. To the point na pinapauwi mo na akung pinas diba?
At alam mo anung ginawa ko. Niligpit ko yung gamit ko kasi uuwi na ako para matapos na para tapusin na. Pero ano ginawa mo? Tinago mo yung passport ko Jan. Nag makaawa ako sayo para ibalik mo kasi uuwi na ako ng pinas. Pero ang ginawa mo hindi mo binalik sa akin.
Pero umalis pa din ako kahit walang passport kasi subrang sakit na ayaw ko na. Pero ikaw tung humabol sa akin umiyak ka nag makaawa na wag na akung umalis. Pinakalma mo ako kinuha mo maleta ko bag ko.
At dito ko na binigay sayo ang ring ibibigay ko nalang sana sayo at pagka tapos wala na tapos na at uuwi na ako ng pinas. Pero ikaw tung gumawa ng script gusto mo e blog. Kasi sayang din yung views and yung kikitain mo. At para mag mukhang totoo lumuhod ako sayo pero dahil na touch din ako umiyak ako at umiyak ka din habang tinanggap mo yung ring.
Pero since scripted at pangit ang labas sa video. At may plan naman din tayo mag travel sa ibang bansa kaya sabi mo na doon ko nalang gawin ulit yung proposal. Para maka pag vlog ka. At sayang din yung kita daw.
Alam mong wala kang naging problema sa akin sa babae Jan simula naging tayo. Alam mo lahat ng nakaraan ko dahil sinabi ko sayo lahat lahat at tinanggap mo ako at minahal mo pa din ako. Tapos ngayon dinidiin mo ako sa past ko para ma takpan mo yung ginawa mo ngayon? Para lumabas na ako talaga ang may kasalanan kaya tayo nag hiwalay? Na in the first place hindi pa tayo Jan alam mo na yan lahat at tinanggap mo ako.
Ako pa nga yung may trust issue sayo dahil as a partner alam mo dapat pano bigyan ng peace of mind and assurance yung partner mo para hindi mag overthink. Hindi mo lang dapat basta binabalewala lang ang nararamdaman ng taong mahal mo.
Ito may tanong ako sayo. Totoo ba na kinausap mo yong ex mo nag paalam ka daw sa kanya na jojowain mo ako kasi need mo lang daw ng pera para dika ma depart sa Thailand? “Kasi nung una palang may nakita din ako sa convo nyo ng ex mo na sinabi mo. I need him”
Ang sa akin lang Jan bakit kailangan mo pang mag sinungaling. Para saan? Para maging maganda tingin ng ibang tao sayo?
Na alala ko pa nung may utang ka sa auntie mo 50k. Nag bayad ka nga oo ang dami mong sinabi sa kanila na pinag ipunan mo yung pera galing sa pag teach mo diyan sa Thailand. Pero alam mo yung totoo diba? na galing sa akin yung 50k na pinang bayad mo sa auntie mo. Naawa ako sayo kasi stress na stress kana kaka singil nila sayo kaya nung nag open up ka sa akin about niyan. Di ako nag dalawang isip na pahiramin ka kasi naawa ako sayo.
Jan kung na babash kaman hindi ko na yon kasalanan. Kasalanan mo na yan na bash ka dahil sa AFAM mo. Ginusto mo yan eh Alam mo nanahimik na ako eh ayaw ko na sana mag salita pa pero siniraan mo ako para ma takpan mo yung ginawa mo ngayon.
And to her ate and kuya, alam kung supportive kau masyado diyan sa kapatid niyo. Kung pwede lang kilalanin niyo pa ng mas mabuti yang kapatid niyo. Kasi madami pa kayung hindi alam sa kanya. Magaling mag tago yan ng kalokohan. Ito pa natatandaan ko pa kung paano siya mag rant sa inyo about money issues kasi kaliwa kanan na nga daw utang niyo sa pinas pati na din sa Thailand pero mas inuuna niyo pa din daw ang mga gala niyo.
Tapos Jan may video kapa sinabi mo na “ pag iniistalk dummy account pala” eh pano lahat ng naka kilala sayo mga friends mo sa gensan relatives mo ay naka block na lahat. Subukan mo kaya e unblock sila lahat para masabi din nila ang totoo tungkol sayo. Para malaman ng lahat ng solid followers mo ang totoong ikaw.
At nung nakipag hiwalay ka diba sabi mo sakin kasi hindi kapa naka move on sa ex mo? And you need time and space para mag heal ka. Kasi gusto mo na pag kinasal na tayo wala ka ng ibang iisipin kundi ako nalang. Nung una palang kung hindi kapa pala totally healed then why pumasok ka agad sa next relationship? And worst tinanggap mo pa yung ring?
Pero inintindi pa din kita. Kahit ang hirap mong intindihin. Binigay ko parin sayo oras panahon at space na hininge mo. At nag paalam kapa sakin na mag vacation ka sa beach sa krabi to unwind w/ your best friend. And during that time hindi ako nag paramdam kasi gusto ko ma enjoy mo yung vacation mo sa krabi.
Until I found out nandon din pala yung AFAM. At pinalabas mo lang na doon lang kau nag meet. But the truth is pinag planohan na ninyo yan na doon mag kita diba? Tapos pinalabas mo coincidence lang? Na before palang I know na naga communicate na kayo sa IG. At ganyan na ganyan din yung ginawa mo sakin dati para mag mukhang kapani paniwala.
At sinabi mo pa sa video mo na you’re confident mag reply kai AFAM kasi nga wala na tayo that time. Ang bilis mo no? Sinasabi mo pa sakin dati ayaw mo sa AFAM kasi nga degrading ang dating. Pero kinain mo lang din yung sinabi mo.
Pero kilala na kita Jan. Aminin mo man o hindi alam kung yan ang totoo. Kasi ganyan mo din ako kinikita dati habang yung ex mo walang ka alam alam. Inaway away mo lang ang dami mong rason para mag give up siya sayo.
You block all his friends and also your friends sa gensan kasi alam nila ang totoo. and now you did the same thing to me. You block all my friends not only my friends pati relatives natin you block them kasi takot ka mag comment sila sa mga post mo at malaman ng solid followers mo ang totoo.
Now kung gusto nyo makilala sino talaga c Disney princess niyo. I suggest mag family back ground check kayo ng malaman niyo. Kausapin niyo yung mga taong nakakilala talaga sa kanina.
Tapos sinabi mo pa na ikaw yung nakulong sa relationship natin? Baka ako ang nakulong Jan kasi mula ng naging tayo alam mong inuuna kita palagi kesa sa family ko and even sa sarili ko.
Kung una palang nakinig na ako sa family ko and relatives natin na gagamitin mo lang ako. Edi sana di na umabot pa sa ganito. Pero mas pinaniwalaan pa din kita at nag pakatanga pa din ako sayo.
Wala eh subrang minahal kita ginawa kitang mundo ko. At alam mo yan how I fight for you from my family to our relatives kahit daming ayaw sayo para sa akin.
Lahat ng sinabi nila binalewala ko dahil sa pag mamahal ko sayo. Mas pinakinggan kita kesa sa kanila. At heto na ngayon nagka totoo na lahat ng sinabi nila sakin. siniraan mo pa ako. Now i realize na lahat ng taong tinalikuran ko noon dahil sayo. Sila pala talaga yung mga taong totoong nag care sakin.
Pero ganon paman alam kung masaya kana ngayon and masaya din ako para sayo. At sana sa bago mo pag umabot man kayo sa point na panay away niyo na at nagkakalaboan sana wag mo hanapin sa iba yung comfort.
Wag ka mag hanap agad ng mas better sa partner mo instead ayusin at pag usapan ang pinag aawayan ninyo. Kasi mas madaling mag hanap ng iba kaisa mag stay.
At sa mga solid followers mo na pinapatalon ako ng barko. Hindi ko po sinisiraan c Disney princess niyo. Sinabi ko lang po yung totoo. At hindi magiging ganyan ang Disney princess nyo kung pinabayaan ko lang siya dati. At para sabihin ko din sa inyo na hindi nakaka bawas ng pagka lalaki ang pag sasabi ng totoo.
Jan hanggang dito nalang ako gusto ko lang malaman mo na pround pa din ako sayo sa narating mo. Happy ako kasi kahit papano naging part pa din ako ng journey mo. Ingat ka palagi.
Aquaman