What's new

Anong Gamot Sa " TULO " ? (1 Viewer)

ANO BA ANG TULO?

Ang tulo o gonorrhea ay isang nakahahawang impeksyon na maaaring makuha sa sekswal na pakikipagtalik sa taong may tulo. Ang tulo ay naipapasa rin ng mga inang may ganitong impeksyon sa kanilang mga sanggol habang ito ay ipinapanganak sapagkat ang tulo ay naisasalin sa pamamagitan ng mga katas o fluid sa katawan. Lalaki ka man o babae, ikaw ay maaaring mahawa ng tulo. Ang impeksyong ito ay madaling naipapasa lalo na sa mga taong may maraming sekswal na kapareha.

Nangangamba ka ba nab aka nahawa ka na ng tulo? Ang artikulong ito ay sasagot sa pangkaraniwang mga katanungan tungkol sa tulo o gonorrhea tulad ng mga sumusunod:

Ano ba ang sanhi ng tulo?
Ano ba ang sintomas ng tulo?
Paano sinusuri ang mga pasyente na positbo sa tulo?
Nagagamot ba ang tulo?
Ano ang gamot sa tulo?
Ano ba ang mangyayari kung hindi gagamutin ang tulo?
Paano ba maiiwasan ang sakit na tulo
Ano ba ang sanhi ng sakit na tulo?

Ang tulo o gonorrhea ay dala ng bakterya na kung tawagin ay Neisseria gonorrhoeae. Ang mikrobyong ito ay napakabilis tumubo at magparami sa mucus membranes ng isang tao. Gustong gusto ng mikrobyong ito ang maligamgam na temperatura ng matris at daanan ng ihi ng mga tao. Ito ay nabubuhay din sa bibig, lalamunan at puwet.

Ano ba ang sintomas ng tulo?

Paano mo ba malalaman kung ikaw ay nahawa na ng impeksyon na tulo? Hindi lahat ng tao na may tulo ay kakikitaan ng mga sintomas nito, kaya kadalasang mahirap alamin kung kalian ka ba dapat lumapit sa doktor. Sa panahong magpakita na ang mga sintomas, baka may sampong araw ka nang nahawa ng impeksyon. Ang mga sintomas ng tulo ay maaaring magpakita sa loob ng dalawa hanggang 30 araw matapos kang mahawa nito.

Ang mga sumusunod ay ang pangkaraniwang mga sintomas na ikaw ay nahawa ng tulo:

Mga sintomas ng tulo sa mga babae

Linalabasan ka ng maputi o maberdeng likido sa iyong pwerta
Masakit na puson at balakang
Napaka-hapdi ng iyong pag-ihi
Nakararanas ka ng conjunctivitis o sore eyes
Ikaw ay nagdurugo kahit hindi mo naman regla
Ikaw ay nagdurugo matapos na makipagtalik
Pamamaga ng pwerta
Pananakit ng lalamunan kung ikaw ay nakikipag-oral s3x
Ang ganitong mga sintomas ay kung minsa’y hindi masyadong matindi sa ilang kababaihan kaya ito’y napapabayaan sa ilang mga pagkakataon.

Marami sa mga kababaihan ang nag-aakala na ang discharge na lumalabas sa kanila ay sanhi ng yeast infection, at nag-aakala na ito ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng over the conter na mga gamot. Tandaan na ang kakaibang mga discharge na lumalabas sa pwerta ay maaaring sintomas ng seryosong mga sakit, kaya ito ay nangangailangan ng pagkonsulta sa inyong pinagkakatiwalaang doktor para ito ay masuri at magamot.

Mga sintomas ng tulo sa mga lalaki

Linalabasan ka ng maputi o maberdeng likido sa iyong ari
Napaka-hapdi ng iyong pag-ihi
Pananakit ng lalamunan kung ikaw ay nakikipag-oral s3x
Masakit o namamagang bayag
Ang mga sintomas ng tulo sa mga lalaki ay kadalasang lumabas makalipas ang 2 -14 araw matapos na mahawa ng sakit.

Paano sinusuri ang mga pasyente na positbo sa tulo?

Para matiyak na tulo nga ang impeksyon mo, ang doktor ay maaring magsagawa ng swab test. Ito ay kukunin sa daanan ng ihi sa lalaki at sa matris naman kung sa babae. Ang specimen na nakuha sa swab test ay ipapadala sa laboratoryo para sa pagsusuri. Maaring magsagawa rin ng pagsusuri sa iyong lalamunan o puwet para tingnan kung ang bakterya na sanhi ng gonorrhea ay nakaabot din sa mga bahaging iyan ng katawan.

Maaari din inspeksyunin ang iyong ihi para sa bakterya na sanhi ng sakit na tulo. Kukuha ng sapat ng dami ng iyong ihi at ipapadala din ito sa laboratoryo.

Ang resulta ay makukuha pagkaraan ng ilang araw.

Magagamot ba ang tulo o gonorrhea?

Hindi tulad ng HIV, ang tulo ay nagagamot! Kaya kung ikaw ay nagdududa na baka nahawa ka na ng ganitong sakit, huwag mag-atubiling magpatingin sa inyong pinagkakatiwalaang doktor!

Ano ang gamot sa tulo?

Para gamutin ang tulo, ang iyong doktor ay maaaring magbigay ng matapang na antibiotic. Ito ay maaaring iniinom o itinuturok, depende sa pangangailangan. Ang iyong asawa o kinakasama ay dapat gamutin din para maiwasan ang muling paghawa ng sakit. Napakahalaga na tapusin ang gamutan kahit na sa pakiramdam mo ay mabuti na ang iyong lagay. Karagdagan pa, huwag uminon ng gamot na irineseta sa iba para gamutin ang iyong sakit. Ang paggawa niyan ay sadyang magpapahirap at magpapalala lamang ng sitwasyon.

Kailangan mong sabihan ang sinuman na nagkaroon ng sekswal na kaugnayan saiyo na ikaw ay positibo sa tulo para sila rin ay makapagpasuri. Tandaan na sa ilang kaso, ang tulo ay halos walang nakikitang mga sinyales lalo na sa mga kababaihan. Huwag kang makikipagtalik hanggang hindi pa tapos ang iyong gamutan. Ang ilang pasyente ay maaaring matukso na makipagtalik kung sa tingin nila ay gumaling na sila sa sakit samantalang hindi pa ubos ang iniinom nilang gamot. Ang paggawa nito ay maaaring makahawa at makasakit sa iyong minamahal. Huwag makikipagtalik ng hindi protektado. Gumamit ng c0ndom kapag nakikipagtalik.

Ano ba ang mangyayari kung hindi gagamutin ang tulo?

Kung hindi gagamutin, ang tulo ay maaaring magdala ng seryosong mga problema kapwa sa mga babae at lalaki.

Sa mga babae, ang tulo ay maaaring mauwi sa pamamaga ng fallopian tube at matris na maaaring maging dahilan ng pagkabaog. Tulo din ang itinuturong dahilan ng ilang kaso ng ectopic na pagbubuntis na kung saan ang fetus ay nabubuo sa labas ng matris. Ang kundisyong ito ay malubha kapwa sa ina at sa bata.

Ang mga lalaki naman na may tulo ay nanganganib na mabaog o kaya naman ay magkasakit ng malubha sa kanilang prostate. Ang bakterya na sanhi ng tulo ay kumakain ng laman, at paborito nilang kainin ang malambot na laman ng daanan ng ihi o urethra, na magpapahirap ng iyong pag-ihi.

Ang gonorrhea ay maaari ring kumalat sa dugo, ang kondisyong ito ay nakamamatay. Ang mga taong may tulo ay mas madaling mahawa ng sakit na HIV o AIDS.

Paano ba maiiwasan ang tulo?

Para mabawasan ang posibilidad na mahawa ng tulo o gonorrhea, gawin moa ng mga sumusunod:

Gumamit ng cond0m kung makikipagtalik.
Limitahan ang bilang ng pagkakaroon ng sekswal na mga katalik. Irinirekomenda na makipagtalik lamang sa iyong asawa.
Kung ikaw ay nahawa na, huwag munang makipagtalik at magkonsulta agad sa doktor.

© Dr.GCYang Skin/STD
 
Pero may tulong di na nagagamot parang HIV/AIDS. Ayon Sa research nagagamot tapos ilang weeks lng babagalik agad kahit hindi nakikipag s3x nakalimutan ko na yung tawag sa sakit na yun e
 
may gamot yan na niririsita! alala ko dati yung kaibigan ko ganyan din nahihiya home remedy lang ginawa niyang gamot , di naman gumaling hanggang sa bumaho. no choice na siya nalaman ng parents niya yun doctor parin. hirap kasi itago yan pag tumagal yan
 

Users who are viewing this thread

Users search this thread by keywords

  1. Nikki
  2. Highschool
  3. Inuman
  4. Nagka tulo
  5. chaser
  6. Manyak
  7. inom
  8. MOA eye

About this Thread

  • 116
    Replies
  • 2K
    Views
  • 74
    Participant count
Last reply from:
g-mac

Online statistics

Members online
1,068
Guests online
1,364
Total visitors
2,432

Forum statistics

Threads
108,972
Posts
3,359,315
Members
738,505
Latest member
wintersmitg
Back
Top