Courtesy of kalusugan(.)ph
ANO ANG GAMOT SA TULO NG LALAKI?
Q: Doc, ano po ba ang mabisang gawin para gumaling agad ang tulo ko? At ano po ba ang mga gamot na kailangan kung inumin para gumaling po agad ako? bago lang po kasi to, 5 days na po..
A: Ang tulo ay isang sexually-transmitted disease o sakit na nahahawa dahil sa pakikipag-***. Ito ay tinatawag na tulo dahil sa sintomas na nana na tumutulo mula sa ari ng lalaki (o babae). Bukod sa tumutulong nana, isa ring karaniwang sintomas ang pagkakaron ng hapdi sa ari kapag umiihi. Bagamat hindi lahat ng tulo ay may ganitong mga sintomas, mahalagang maagapan kaagad ang sakit na ito upang maka-iwas sa mga komplikasyon at hindi makahawa sa iba.
Dalawang mikrobyo ay karaniwang sanhi ng tulo – ang gonorrhea at chlamydia. Ang dalawang ito ay pawang maaaring gamutin ng mga antibiotics. Para sa gonorrhea, na siyaang mas karaniwang sanhi, ang gamot ay isang tableta ng Ciprofloxacin o Levofloxacin. Bagamat ito’y maaring tumalab na sa marami, rekomendado din na uminom ng gamot para sa chlamydia sapagkat ito’y madalas kasama ng gonorrhea. Para naman sa Chlamydia, ang gamot ay Doxycycline o Azithromycin. Ang mga gamot na ito ay nangangailan ng reseta ng doktor at hindi pwedeng basta-basta inumin. Kaya mas maganda paring magpatingin sa doktor para dito – huwag mahiya.
Habang umiinom ng gamot at maging pagkatapos, ugaliing gumamit ng proktesyon gaya ng ** upang makaiwas sa STD. At kung ikaw ay may regular na kapartner sa *** mahalagang siya ay magamot din dahil maaaring siya ay nahawa rin ng sakit na ito.